Naka-ilang selfie kami ni Josh bago ko tingnan ang mga kuha namin. May nakangiti, nakasimangot, naka-wacky, naka-peace sign, naka-makeface at kung anu-ano pang pose.

"Look! Ang cute nating dalawa dito." Hinarap ko sa kanya ang phone ko para ipakita ang picture.

"Para kang batang inagawan ng candy sa itsura mo. HAHAHAHA!"

Nakasimangot kasi ako doon habang s'ya naman ay malaki ang ngiti habang nakapeace sign ang daliri sa likod ng ulo ko.

"Pasa mo sa'kin. May gagawin lang ako."

Inilayo ko kunwari ang phone ko sa kanya. "Hoy! Baka kung anong gawin mo sa itsura ko ah."

Natawa s'ya ng mahina sa sinabi ko. "Wala ka bang tiwala sa'kin?"

"Wala!"

Nawala ang ngiti sa kanyang labi. "JOKE LANG!" Natatawang aniya ko sabay hablot ng kanyang cellphone. Pinasa ko rin sa phone n'ya lahat ng selfie naming dalawa. Ginawan ko na iyong ng sariling folder dahil wala manlang kabuhay buhay ang kanyang gallery. Kung may picture, puro screenshots or gitara naman.

"Wala manlang ba kayong picture nina Glen at Zan?"

"Meron naman. Bakit?"

"Eh bakit wala ka?"

"Nasa laptop ko. Ayoko lang maglagay ng picture sa mismong phone ko."

"Bakit naman?"

"Ewan. Wala lang, trip ko lang bakit ba?!"

"Ang boring mo naman. Oh ayan hah! May pictures ka na sa gallery mo, h'wag mong idelete yan kung ayaw mong bigwasin kita."

Kinuha naman n'ya ang kanyang phone sa akin bago tingnan iyon.

"Best buddy?"

"Parang boy bestfriend na kasi kita. Lagi kang nandyan kapag kailangan ko ng kaibigan to lean on. Hindi ko nga alam kung bakit nagtatyaga ka pa sa'kin eh. Pero masaya ako kasi nandyan ka."

"Ouch naman Erish." Umakto pa itong humawak sa dibdib na tila nasasaktan. "Friendzone agad? Agad agad?"

"Sira ka talaga. Ewan ko sayo, dami mong alam."

Unti-unti na ring bumabalik ang ngisi sa kanyang labi. Lumapit ito sa akin saka pinat ang ulo ko.

"I'm also happy to be your best buddy, Erish..... sa ngayon."

Hindi ko na lang inintindi pa ang huli n'yang sinabi. Ayokong sirain ang moment. Basta masaya ako dahil nandyan siya always for me. Masaya ako dahil bukod kay Ella, may bago na akong kaibigan. Kaibigang maituturing ko na precious higit pa sa mamahaling bagay sa mundo. Dahil mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan na kahit gaano pa kagulo ang buhay mo, mananatili pa rin sa tabi mo at handa kang suportahan sa lahat ng bagay.

At si Josh....

He's now part of my life. And I'm happy for that.

"HALIKA na Erish. Iuuwi na kita. Gumagabi na eh. Baka nag-aalala na rin sina Tita at Tito sayo."

Inabot na rin kasi kami ng dilim dahil medyo napasarap ang kwentuhan. Tsaka gusto ko ulit pagmasdan ang ibaba ng syudad kapag ganitong gabi.

Tahimik at tanging maliliwanag na ilaw ng mga bahay at sasakyan lamang ang nakikita. Malayong malayo sa city na puro ingay ng mga sasakyan at mga taong nagkalat sa lansangan ang masisilayan.

This place is indeed so peaceful ang calming paradise for those who wants to escape a busy city.

Lumalamig na ang simoy ng hangin kaya hindi na ako umangal pa. Bumyahe na ulit kami pabalik sa kabayanan para umuwi. Dumaan muna kami sa isang shop para bumili ng doughnuts para sa parents ko.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon