"Hoy!"

"Joke!"

Hinila na n'ya ulit ako papasok sa loob. Kitang kita ko ang kislap sa kanyang mga mata na para bang ngayon lang s'ya nakapasok sa loob ng lugar na ito.

Iba't ibang games ang nilaro namin sa loob ng ilang oras na pananatili naman sa loob.

"Ang daya mo naman eh!"

"Anong madaya ka d'yan? Hindi ka lang talaga marunong."

"Marunong ako. Sadyang magaling ka lang talaga sa basketball. Yung tipong magaling maglaro ng bola, kaya pati babae pinaglalaruan din, binobola pa."

Napatigil s'ya sa pag shoot ng bola sa ring. Masama ang tingin nito sa akin.

"Namemersonal ka ng babae ka hah! Hindi ako marunong maglaro ng babae."

"Oo na lang."

Pagkatapos namin sa basketball ay hinila n'ya ako papunta sa isang machine. Iyong may mga stuff toys and teddy bears sa loob tapos kukunin mo iyon gamit ang isang clawn.

Bigla kong hinila ang laylayan ng kanyang white long sleeve. Wala kasi s'yang suot na coat at tanging puting long sleeve lamang at necktie. Maluwag na din ang magkaka-ayos niyon sa loob ng kanyang collar.

Mukha talaga s'yang naglakwatsang estudyante.

"What?"

"Si Stitch!" masayang wika ko sabay turo sa nakita kong stufftoy sa loob ng machine. "Si Stitch, Josh! Get it for me, please!" Nagpa beautiful eyes pa ako sa harapan n'ya habang mahinang hinihila ang laylayan ng kanyang uniporme.

"Para kang bata." Natatawang aniya.

I pout at what he said. "I'm not a child anymore. I'm already a grown woman, hmp!"

"Yeah!"

"Sige na kasi, Josh! Si Stitch!"

"Alright! Oo na, oo na! Kukunin ko na para sa mahal na prinsesa." Napangiti naman ako sa sinabi n'ya. Naglakad na ito patungo roon, kasunod ako.

Nilahad n'ya sa akin ang kanyang palad. "Penge!"

Naintindihan ko naman kaya inabutan ko s'ya ng token. Nagsimula na s'yang magconcentrate sa pagkuha ng stufftoy sa loob.

Unang subok ay nabitiwan n'ya. Pangalawa ay muntikan ng makuha pero nahulog pa rin.

Gano'n talaga, kahit gaano pa kahigpit ang hawak mo sa kanya, kung s'ya ang gustong bumitaw, wala kang magagawa.

Humuhugot na'ko. May pinagdadaanan te? Lalim ng hugot eh.

Nakalimang subok na s'ya pero wala pa rin. Tumayo s'ya ng tuwid bago nameywang. Malalim ang titig sa loob ng machine.

"J-Josh? Lipat na lang kaya tayo? Hindi mo yata kayang—"

Pinigilan n'ya ako. "No!" May diing wika n'ya. "I'll get Stitch for you." Pagkatapos ay muling bumalik sa ginagawa.

May ilang kababaihan na rin ang napapatingin sa amin dahil siguro sa lalaking seryosong seryoso sa ginagawa. May ilang pawis na ang tumatagaktak sa kanyang noo dahil kanina pa kami dito. Pinasadahan n'ya ang kanyang medyo basa ng buhok gamit ang kanyang mahahabang daliri sa kamay.

Sheeett! Bakit ang hot n'ya 'nong ginawa n'ya 'yun? Bakit????

Erish back to your senses. Nakakaloka ka!

Humigpit ang hawak ko sa aking damit dahil malapit nang makuha ni Josh si Stitch. Dahan-dahan n'yang dinala sa butas ang stufftoy and....

"Gotcha!"

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now