Nahihiyang ngumiti ako dahil sa winika nito. Kahit si Josh ay nahihiyang tumingin din sa akin.

"Manang naman eh. Pinapahiya mo ako sa bisita ko."

"Sus! Oh sya, magtatagal ba kayong dalawa dito?"

"Saglit lang po kami dito Manang. Kukunin ko lang 'yung kotse na pinaayos ko kay Tatay Laring kaninang umaga."

"Gano'n ba? Oh, sya. Maiwan ko muna kayo dito at may niluluto pa ako. Darating kasi ang mga magulang mo. Mukhang dito muna ngayon mananatili dahil pinapaayos daw ang kusina sa tinutuluyan n'yo ngayon."

"Eh sa isa?"

"Malayo sa kompanya. Siguro ay ayaw nang pagmahehuhin si Laring ng masyadong malayo."

"Hmm... Sige po, Manang aalis na rin kami dahil ipapasyal ko pa si Erish. Kinamusta ko lang talaga kayo dito."

"Iuwi mo ng maaga ang girlfriend mo ah."

"Manang naman kasi eh."

Tumatawang bumalik ito sa ginagawa. Naiwan naman kaming dalawa ni Josh. Napakamot ito sa batok bago magsalita.

"Pasensya ka na kay Manang. Unang beses kasing makita n'yang may kasama akong babae kapag bumibisita dito. Palagi ko lang kasama ay ang barkada, kaya gano'n."

"Ano ka ba, okay lang 'no."

"Tara na! Nasa garage ang kotse ko."

Lumabas kami ng bahay at nagdiretso sa garahe. Isang blue convertible na sasakyan ang sumalubong sa amin pagkarating doon.

Naks! Yayamanin ang koya n'yo.

Pinagbuksan n'ya ako ng pinto. "Thanks!" Sabi ko bago pumasok sa loob. Nagtungo naman sya sa kabila para pumasok at paandarin na ang kotse paalis.

Naamoy ko ang mabangong pabango nya na tila ba dumikit na rin sa loob ng sasakyan. Amoy malandi. Joke! Mabango! Hindi matapang at hindi rin sweet. Lalaking lalaki ang amoy niyon. Amoy nakakainlove. Mas lalong joke ulit!

"Josh, saan nga ulit tayo pupunta?" pangungulit kong muli.

"Sa langit nga kas—ARAY NAMAN ERISH! Kanina ka pa ah. Nakakasakit ka na."

"Umayos ka kasing lalaki ka. Maayos ang tanong ko, ayusin mo rin ang sagot mo."

"Mamamasyal nga tayo sabi. O baka naman may suggestion ka d'yan, iyon na lang gawin natin." Sumilay ang nakalolokong ngisi sa kanyang labi. Mukhang may kagaguhan na namang naiisip.

Gague!

O baka ako lang nag-iisip no'n? Susko! Maduming isip layuan mo po ako.

Nahalata n'ya ang pananahimik ko kaya pasimple s'yang tumikhim.

"May alam akong lugar na siguradong magugustuhan mo." Seryosong wika n'ya habang ang tingin ay nasa unahan lamang.

"MALL? Seriously, Josh? Dito sa Mall talaga? Anong tingin mo sa'kin? Shopping is life?"

"Hindi naman kasi porket nasa Mall, shopping na agad. Sa Timezone tayo."

Magsasalita pa sana ako nang hilahin na n'ya ako papasok sa loob. Ngiting ngiti ito na wari mo'y siguradong sigurdo s'ya na mag-eenjoy ako sa Timezo—Timezone?

TIMEZONE BA KAMO?

Hila-hila n'ya ako na parang batang tuwang tuwa. Nakarating kami sa ika'tlong palapag ng mall, sa harap mismo ng Timezone. Maraming tao sa loob, karamihan ay mga kabataan ding katulad namin na naglalakwatsa. Chos!

Wala naman kaming klase kaya okay lang na lumabas ng campus.

"Halika na! Buong araw tayong maglalaro at magwawalwal."

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now