"Aray! Aray! Aray naman Ella! Ang tindi mong mamalo." Reklamo ni Zander dahil may kasama pang hampas sa braso ang kilig ni Ella.

"Curious ako kung sino si girl. HALAAAAA! Inlove na ang koya n'yo!" Parang batang tuwang tuwa na wika ni Ella na patuloy pa rin sa pagpapadyak.

Kahit si Zander ay bigla ding ngumisi na tila ba may kalokohan na namang naiisip ukol sa kaibigan nito.

"Mukhang may tinatago yatang chix sa atin si Pareng Josh ah." Nakangising wika ni Zander.

"Kaya nga curious ako kung sino iyon. May feeling ako na para bang kilala ko ang tinutukoy n'ya. " Nag-aabang sa sagot ni Josh si Ella. Tutok ang tenga nito sa unahan.

Taas-kilay na tiningnan ko si Ella. Tumingin din ito sa akin na may malawak na ngisi sa kanyang labi.

"Ohh?"

"Kilala mo? Sino? May iba ka pang babaeng ka-close kaysa sa akin."

"Wala ah!"

"Eh bakit sabi mo, kilala mo?"

"Feeling ko lang 'yon. Tsaka... malay mo totoo pala 'yong feeling na 'yon, diba?"

Mas tumaas ang kilay ko. Di ko gets pinagsasabi ng babaeng 'to? Gano'n ba talaga ako kalutang?

"Ewan ko sa'yo! I can't get you."

"Lutang ka lang. HAHAHAHAHA!"

Baka nga lutang talaga ako. Naka-ilang hithit ba ako ng mikmik kagabi at nagkakaganito ako?

Napa-iling na lamang ako at hindi na lang pinagkaabalahan ang pinagsasasabi ng kaibigan ko. Napatingin naman ako sa lalaking katabi ko dahil hindi manlang ito nagreact. Doon ko nakita ang reaksyon ng mukha ni Glen. Nakakunot ang noo habang ang isang kamao ay naka-kuyom na tila galit. Taimtim na nakatitig lamang ito sa kaibigan.

Anyare dito?

Napatingin naman ako kay Josh at natagpuan ko ring nakatingin ito kay Glen. Hindi katulad ni Glen, parang wala lang naman kay Josh ang masamang tingin na ipinupukol nito sa kanya.

Anong meron?

Bakit parang nararamdaman kong may matinding tensyon sa pagitan ng dalawa.

Umiwas na ng tingin si Josh at nakangiting sinagot ang katanungang pinupukol sa kanya. "Saka ko na sasabihin kung sino, kapag nalaman na n'ya na s'ya ang tinutukoy ko," sagot nito.

Ngunit hindi ko alam kung namalik-mata lang ba ako o ano. Nakita ko kasing dumaan ang paningin ni Josh sa akin matapos n'yang sabihin ang mga salitang iyon, na tinilian ng mga kababaihang nanonood.

Ipinilig ko ang aking ulo at nang tingnan kong muli si Josh ay sa unahan na ito nakatingin.

What was that?

Ahh, baka high lang ako dahil sa mikmik. Oo, iyon lang iyon.

"So, meaning... nandito si girl?! AAHHHH! WALA NA, MAY NANALO NA MGA BAKLA. UWI NA KAYO!" Natatawang wika ng isang judge.

Marami namang sumigaw at umangal sa rebelasyong iyon. Hindi pa man nila kilala kung sino talaga, pero ang isipang naririto lang sa Eastwood ang babaeng tinutukoy nito, ay isang malaking palaisipan na sa lahat ng taga-hanga n'ya.

Wawi! Uwi na kayo, may nanalo na pala.

At kung sino man ito, masasabi kong maswerte s'ya. Mukhang may nakapukaw na yata sa natutulog na puso ng isang Villaflor ah. Naks!

Aabangan ko kung sino ang nagpatibok sa puso ni Tanda. Hindi na s'ya tanda, nagbibinata na sya. YIIIEEEE! HAHAHAHA!

"So, para kanino ka tutugtog ngayon? Sa kanya ba?"

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now