Rebecca's POV.

"Okay ka lang?" Tanong ko sakanya.

Nasa hapag kami ngayon, kumakain.

Nangangasim ang itsura niya sa pagnguya.

Hindi ko alam kung dahil maasim ang lasa, syempre sinigang nga e.

Pero tinikman ko naman bago ko ilatag. Okay naman, masarap naman kahit papaano. Hindi naman ganoong kaasim.

Tumango siya at ngumiti ng tipid.

"Hmn, masarap. Sobra." Ngiti niya habang ngumunguya.

Napangiti naman ako.

Nagustuhan ba niya ang talbos ng kamote?

"Akin na yang plato mo, lalagyan ko pa ng gulay." Galak kong sabi saka ini-adjust ang kamay.

Mabilis siyang lumunok.

Saka napatigil.

"Bakit?" Tanong ko.

Umiling lang siya at ngumiti rin saka tumikhim.

Nilagyan ko pa ng gulay ang plato niya.

Gusto pala niya ng gulay, di sana... Bibihira nalang kaming magkarne. Mas masustansiya kasi kapag palaging gulay ang iluluto ko.

Natapos kami sa pagkain at nagpaalam itong aakyat muna.

Ikinumpuni ko naman ang mga kubyertos na nagamit saka inilagay sa lababo.

Monday na naman bukas, ang bilis ng araw...

Pagkatapos kong makapaghugas ay nag shower na ako.

Habang nagsusumklay ay tumunog ang cellphone na nasa table.

Lumapit ako rito at tiningnan kung sino ang nagtext.

Farah: Magdala ka ng extra shirt mo bukas be.

Nagtipa ako.

To Farah: Sige, pakipalista mo na rin yung pangalan ko bukas. Kung mauuna kang dumating ha? Thank you...

Sending.

Napatalon ako nang...

"Sino yang katext mo?" Seryosong boses niya.

Binaba ko ang cellphone at bumaling rito.

Katatapos lang niyang maligo, nakapajama na ito ng itim at naka sleeves.

"Si Farah, may sinabi lang." Sagot ko.

Humakbang siya papalapit sa'kin, binigyan muna niya ng tingin ang nakalapag na phone saka muling ibinalik sa mukha ko ang tingin.

Ngumiti siya bigla.

"Okay. I trusted you." Ngiti niyang sambit.

Tumango-tango naman ako.

Sino ba sa akala niya ang katext ko?

Hinaplos niya ang gilid ng ulo ko.

"Matutulog na ba tayo?" Malambing niyang tanong.

Hindi niya kasi ako mapaakyat sa kwarto niya kaya lagi siyang pumapasok rito sa kwarto ko gabi-gabi para lang tumabi sa'kin.

Wala naman siyang ibang ginagawa, katulad ng lagi niyang sinasabi kapag hihiga na kami.

Yumayakap lang siya sa'kin, kasama na dun ang paghalik.

Hindi ko alam kung tama bang hayaan ko siya sa gusto niya. Simula't sapul alam kong may girlfriend ito, nakakakonsensiya na...

Hindi maganda ang pakikitungo sa'kin ni Ma'am Venice pero babae ako, alam kong nasasaktan siya.

Huminga ako ng malalim.

Nawala ako sa pag-iisip ng halikan niya ang labi ko ng magaang halik.

"Hey, are you okay?" Pagsisipat niyang tanong.

"Doon ka na sa kwarto mo." Mahina kong sabi.

Napawi ang ngiti niya.

"Why? I mean, ilang weeks na akong natutulog rito dahil ayaw mo naman sa kwarto ko." Mabilis niyang usal.

Lumunok ako at umupo sa ibabaw ng kama.

Sumunod siya at bahagyang umupo sa harapan ko.

Itinukod niya ang dalawang kamay sa magkabilaan ko.

"What's wrong?" Malambing niyang tanong.

"Anong nararamdaman mo habang alam mong may nasasaktan ka?" Maang kong tanong.

Umurong ang mukha niya at pinakatitigan ako.

"Saan patungo ang usapan, Beca?" Seryosong tanong niya.

Tumingin ako diretso sa mga mata niya.

Kumikislap itong nangungusap.

"Bakit mo ginagawa ang mga bagay-bagay na to? Alam mong ma-ay girlfriend ka-" hindi ko naituloy.

"I've already broke up with her." Mabilis niyang boses.

Nangunot ang kilay ko.

"Bakit?" Hindi makapaniwala kong tanong.

Nag-iigting ang bagang nito.

"Anong bakit? Syempre ikaw ang mahal ko." Seryoso at buong boses niyang sagot.

"Hiniwalayan mo siya ng ganun-ganun lang?" Dagdag kong tanong.

Bumuga siya ng hangin.

Hinawakan niya ang magkabilaan kong kamay.

"I don't love her. So, please... Wag na natin siyang pag-usapan baby." Malamyos niyang saad.

"Parang laruan lang ganun? Kapag tapos ka na hahayaan mo nalang. Tapos sinasabi mong ako ang mahal mo? Alam mo? Kung kinaya mo siyang itapon ng ganun kadali, ganun din ang gagawin mo sakin kapag tapos ka na. Iisa lang ang bituka niyong mga lalaki, pare-pareho lang kayo-" napatigil ako ng humigpit ang pagkakahawak niya ng kamay ko.

"Bakit mo ba nilalahat? Iba iyong sa relasyon namin bago ko pa tapusin, dahil lahat ng namamagitan sa amin noon ay tungkol lang sa business, pareho lang kaming nakinabang sa huli, kaya bakit ka ba ganyan? That's why I ended it early so that I could be free to love you ng walang niloloko." Mariin niyang sabi.

"Talaga? Hindi ba panloloko iyong ginawa mo? E ano pala?" Palakas na ng palakas ang boses kong tanong.

Pumikit siya ng mariin.

"Shh, tama na... Okay? Wag ka ng magalit sakin, please?" Malambing niyang boses habang hinalik-halikan ang kamay ko.

Mabilis ang paghinga kong pinapakalma ang nararamdaman.

Hindi ko inaasahang makakaramdam ng ganitong emosyon.

@dikaPinili_

Beg for It (Quadro Series #1)Where stories live. Discover now