"Its okay, Mom! I understand naman po. Kailan po ba ang alis n'yo ni Dad?"

"Ngayon na, kaya tinawagan agad kita para ipaalam sayo."

"Sige po, Mom. Uuwi na ako ngayon. Ingat kayo sa byahe, okay?"

"Pasensya na talaga Darling. We love you, okay? Mag-iingat ka din habang wala kami ng Dad mo."

"Opo! I love you both! Sige na Mom, baka maiwan pa kayo ng flight."

"I'll check you every night, okay? I'll hang up na. Bye!"

Binaba na ni Mom ang tawag. I take a deep breath before turning my feet to the pool. Saan naman kaya ako matitirahin nina Mom in one week at kailangan pa nila akong pauwiin? Pwede namang sa bahay na lang. Sanay naman akong walang kasama doon sa tuwing pumupunta sila sa business meetings abroad.

Kinabahan tuloy ako. Parang may hindi magandang mangyayari ah.

"Bespren!"

Naabutan kong nakahiga sa sun lounge si Ella habang prenteng umiinom ng arange juice. Natawa tuloy ako dahil feel na feel nya ang moment. Samantalang nasa ibabang pool naman ang tatlo.

Napataas ang kilay ko nang makitang napapalibutan ng tatlong hindi kagandahang babae si Josh at Zan. Mas maganda pa ako at malakas ang dating kaysa sa mga babaeng kasama nila.

Here we go again, me, myself and I is so mahangin na naman. But, its true naman eh.

Ngiting ngiti ang dalawa na nakikipagtawanan at kwentuhan sa tatlong tiyanak na kasama. Mukhang enjoy na enjoy pa habang naka-akap ang braso sa bewang ng babaeng kasama.

The playboy and flirtacious type. Pwe!

At mas lalong napataas ang kilay ko nang mapansing hindi kasama ng dalawa si Glen.

Nasaan naman kaya ang isang iyon?

Kunot noong lumapit ako sa kinauupuan ni Ella. Naupo ako sa katabi nito na palinga-linga at hinahanap ang lalaking hindi ko makita-kita.

Nasaan na naman kaya ang lalaking iyon? Don't tell me, lumalandi na naman?!

"Busangot na naman ang mukha mo. H'wag ka mag-alala, wala akong nakitang babaeng kasama ni Glen. Kapag may lalapit sa kanya sinusungitan nito. May tumawag lang sa kanya kanina kaya lumayo. Mukhang importatnte yata eh." Bumalikwas ito ng bangon bago tumingin sa'kin. "Ano ba talagang nangyari noong humiwalay kayo sa amin kanina?"

"W-Wala naman."

"Nagsesekreto ka na sa'kin bespren ah."

"Wala nga kasi. Tinanong ko kung bakit nya ako dinala doon, hindi din daw nya alam. Siguro iyon lang talaga ang price na sinasabi nya and nothing more."

Pero may higit pang price akong natanggap kaysa doon. At iyon ang makitang ngumiti sya sa akin kahit minsan lang.

"Oh, bakit nga pala natagalan ka pumunta dito?"

Huminga ako ng malalim bago sumandal sa inuupuan ko.

"Pinapauwi na'ko."

"Bakit? May nangyari ba?"

"Nagkaproblema daw kasi sa isang wine factory sa London kaya kinakailangan nina Mom at Dad na pumunta doon para sila mismo ang mag-ayos ng nangyari. Wala sina Yaya sa bahay kaya..."

"Kaya?"

"Kaya pinapauwi ako ngayon ay para pumunta sa bahay ng pansamantala kong tutuluyan habang wala sila."

"Na naman?"

"Yeah!"

"Sayang naman ang outing natin. Wala oang two days tayo dito eh."

"Pwede naman kayong manatili dito at ako na lang ang uuwi. Magko-commute na lang ako."

"No! Hindi pwede! Magkakasama tayong pumunta dito, kaya sama-sama din tayong aalis. Tsaka paano kung may mangyaring hindi maganda habang nasa byahe ka? Pag-aalalahanin mo ako, kami."

"Pero—"

"Ah basta! Wala nang papero-pero pa. Tsaka gusto ko ding malaman kung saan ka titira habang wala sina Tita."

"Saan nga kaya nila ako inihabilin?"

Inihabilin talaga? My gosh! Para akong bata nito. Batang wala pang muwang sa paligid nya. But I know, itong ginagawa nina Mom ay for my own good din naman kaya I understand them.

Sa panahon ngayon, hindi natin kailangang magpakampante sa mga taong nakakasalamuha natin, at sa paligid natin. Hindi natin alam kung anong mangyayari dahil hindi natin hawak ang tadhana.

At alam kong bilang isang magulang ay nag-aalala lamang sila na maiwan mag-isa ang kanilang anak.

"Guys—" Tatawagin na sana ni Ella sina Josh nang dumating si Glen.

Bihis na bihis ito na para bang handa na para umuwi. Eh?

"Oh, dude! Bakit nakabihis ka na?" Nakalapit na pala sa amin sina Zan at iniwan na lang bigla sa may poolside ang kasam nilang girls.

"Nagkaproblema sa company. Kailangang gawan agad ni Dad ng paraan ang aberya kaya tinawagan nya ako kanina para sabihing kailangan muna nating bumalik nang Villa."

"Eh bakit kailangan pa nating bumalik agad? Pwede naman nilang iwan ang bahay nyo kahit walang tao."

Tumikhim si Glen na nagpasingkit ng mga mata ko.

"May bwesita—I mean bisita akong kailangan asikasuhin sa bahay. Kung ayaw nyo pang bumalik, you guys can stay here."

"Eh pinapauwi na rin nina Tita si Margaux eh." Singit naman ni Ella.

Napatingin sila sa akin na may nagtatanong na mga tingin.

"N-Nagka... Nagkaproblema din kasi sa isang wine factory sa London kaya kailangang magtungo agad doon sina Mommy. Walang tao sa bahay kaya kailangan kong maglipat-bahay muna sa ngayon."

"What do you mean?" Takang tanong ni Josh.

"Pansamantala muna akong titira sa bahay ng kausap ni Mom. Hindi na nasabi kung saan at kanina dahil nagmamadali na sila."

Palipat-lipat ang tingin ng tatlo sa aming dalawa ni Glen. At nang marealize ko na pareho kami ng sitwasyon ni Glen ngayon ay tila dinaga ako ng kaba sa dibdib.

Coincidence lang ba ang lahat?

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Där berättelser lever. Upptäck nu