Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa pagpipigil ng tawa.

"Mag lola remedios ka muna bro. Baka lamig lang yan." Tinapik-tapik pa ni Zan si Josh sa balikat nito.

"Dami mong ebas. Siraulo!"

Napatingin naman silang dalawa sa akin nang.....

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! ANG DAMI KONG TAWA. MGA SINGKWENTA. HAHAHAHA!"

Wala na! Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Pfttt...

"See? It makes you laugh, Erish. Pwede mo na akong maging exclusive clown everyday, just to see you happy."

Napatigil naman ako. Kahit si Zan ay kumunot din ang noo at napatitig sa kaibigan.

"GOOD DAY CLASS! Go back to your proper seats. We will start our lesson right now."

Dumating na ang first subject teacher namin kaya nagsibalikan na ang lahat sa kani-kanilang pwesto. Pero bago tumalikod si Josh at kumindat muna ito sa akin.

Tila natulos naman ako sa aking kinauupuan dahil doon. Feeling ko ay namula ang magkabila kong pisnge dahil umiinit ang pakiramdam ko.

OMG! Margaux go back to your senses! Lukaret ka talaga!

"Seems like your enjoying his jokes, aren't you?"

Isang malamig na tinig ang nagsalita. Napatingin ako kay Glen nang sabihin nya ang mga katagang iyon.

"I see!" He chuckled. "He's just tripping you, Erish! Josh will never like you, kaya h'wag kang umasa."

Naikuyom ko ang aking dalawang kamay.

"Hindi ako umaasa, Glen. Dahil alam ko namang nagbibiro lamang sya. At kung ano man 'yang iniisip mo, tigilan mo na. Natutuwala lang ako dahil kahit papaano, magaang pakisamahan ang dalawa mong kaibigan kaysa sayo."

Inis na inilayo ko ang inuupuan ko sa kanya. Seryosong tumingin naman ako sa teacher na nagtuturo sa unahan pero nakakuyom pa rin ang mga kamay.

Nakakainis sya! Nakakainis sya!

Gusto kong umiyak dahil nakakatang!na lang. Ngunit pinipigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko. Ayokong makita n'yang iniiyakan ko sya. Bwesit sya!

Buong klase ay wala ako sa mood. Kahit sinabi ko kanina na walang makakasira ng araw ko, pero isang De Chavez lang pala ang kayang magpabago 'non.

Pagkatapos ng klase ay inayos ko agad ang mga gamit ko.

"Erish, sama ka sa'min." Napatingin ako kay Zan ng ayain nya ako. Pero nang makita ko ang masamang sulyap ni Glen sa akin ay agad kong tinanggihan iyon.

"Sabay kami ni Ella na maglunch eh. Next time na lang. Sige ah, una na ako."

Hindi ko na hinintay pa na magsalita ang dalawa at nagmadali nang lumabas ng room. Nagtungo ako sa usual spot namin ni Ella kapag break time.

Pagdating sa likod ng Faculty Office ay may bubungad sa'yong mini park. Maraming bleachers na pwedeng pagtambayan dito. Sa kada puno na nagbibigay lilim may dalawa hanggang tatlong bench na may table, maaaring upuan o higaan kung gusto mong tumambay sa tahimik na lugar. Gawa kasi ito sa smento, parang sinadya ng may-ari ng school para pagtambayan nga kapag break time.

Katabi naman nito ang mini garden at green house.

Bukod sa mahangin dito eh malayo din sa soccer field na puno ng maiingay at magugulong mga students. Kaya tama lang talaga ang lugar na ito para sa katulad kong kailangan ng katahimikan.

"BESPREN!!!"

Agad ko namang nakita si Ella.

"Ang tagal mo hah! Kanina pa ako naghihintay dito. Binili na din kita ng snacks."

"Thanks El!"

Pabagsak na umupo ako sa bench at dumukmo sa mesa.

"Ohh, bakit ganyan itsura mo? Parang dala-dala mo ang problema ng buong mundo." Sita nito sa akin bago sumubo ng kanyang burger.

"Haist! Ewan ko ba! Napakahirap basahin ng iniisip ni Glen. Akalain mo bang kanina nagkakatuwaan lang kaming tatlo nina Josh, sumabat ba naman na nag-eenjoy daw ako masyado sa jokes ni Josh. Tapos pinagtitripan lang daw ako nito kaya h'wag daw akong aasa dahil hindi naman daw ako nito magugustuhan. Siraulo ba sya? Nagkakatuwaan lang kami tapos may pagano'n na agad syang nalalaman? HAH! EWAN KO NA TALAGA!"

"Hhmmm..."

Matagal na katahimikan ang bumalot sa pwesto naming dalawa. Tanging pag-nguya ng chitchirya at paginom lang ni Ella ang maririnig.

"May dumaang anghel." Pambasag ko sq katahimikan.

"Anghel na walang brief." Dugtong naman ni Ella.

"Pfttt..."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"Gaga ka talaga! Iba na naman ang iniisip mong babaita ka."

"Matanong ka nga, nag-observe ka ba?"

Napa-irap ako.

"Wala namang dapat i-observe sa dalawa. At kung iniisip mo nga na may gusto sa akin si Josh, sinasabi ko na ngayon sayo tigilan mo na. Kay?"

Nagkibit-balikat naman ito. "Sabi mo eh! Pero kung ako ang tatanungin mo, maghahanap ako ng bagong crush. Hindi ka ba napapagod sa ginagawa ni Glen sayo? Bespren bilang kaibigan mo, ayaw kitang masaktan. Pero kung masokista ka at gusto mong lagi kang sinasaktan, go lang kung saan ka masaya. Always remember na kapag sobrang sakit na punta ka lang sa'kin, magdamag rayong iinom... ng tubig. JOKE!"

Hinampas ko sya ng malakas sa braso.

"Puro ka kalokohan eh."

"Kidding aside bespren... Kapag sobrang sakit na, tama na hah!"

Napangiti naman ako. Alam kong concern lang sya sa akin na ipinagpapasalamat ko dahil kahit papaano ay may napagsasabihan ako ng sama ng loob.

"Tatandaan ko po 'yan Ate."

"So... Anong balak mo?"

"Isang subok na lang. Kapag wala pa rin, titigil na muna ako."

"Iiwasan mo?"

"Hangga't maaari, oo. Kung kaya, bakit hindi. Minsan napapa-isip din ako." Tumingin ako sa kanya. "Nakakapagod din pala, lalo na kung sa tuwing lalapit ka, ipagtatabuyan ka nya. Na para bang kahit ikaw na lang ang natitirang babae sa mundo hinding hindi ka pa rin nya magugustuhan."

Sa loob ng dalawang taon, sya lang 'yung lalaking nagustuhan ko. Kahit napakarami d'yang iba na mas mabait at masayang kasama, kapag puso mo na talaga ang nagpasya, wala ka ng magagawa pa.

At ipinangako ko na rin sa sarili ko na sya lang ang lalaking gugustuhin ko.

Dahil I know, darating ang araw na magugustuhan din nya ako katulad ng pagkagusto ko sa kanya.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now