I made a blank expression when I get what he said. Siraulo! Kayq mas lalo lang itong tumawa.

"Pffttt.... HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! Ang dami kong tawa, mga bente."

"Gagiii! Buti nabilang mo."

"Marunong ako magbilang eh. BWAHAHAHAHAHA!"

"Banatan kita d'yan ng totoong banat, makikita mo."

"Eto na nga, titigil na." Pero nagpipigil pa rin ng tawa.

Humarap naman sa amin si Josh na nakangisi.

"Tigilan mo nga yang ngisi mo, Bro! Umagang umaga nagmumukha kang baliw na serial killer sa itsura mo eh." Zan exclaimed.

"Inggit ka lang dahil pogi pa rin ako kahit killer pa. Alam nyo tawag dito? Tawag dito, Killer smile."

Killer smile nga! Pamatay na ngiti eh. PWEE!

"Ogag!"

"Alam nyo ang cocorny ng banat nyo, dapat ganito. Erish, hindi lahat ng buraot gusto lima, ako nga gusto kita."

Nanlaki ang mga mata ko. Kahit ba banat lang 'yon, kinilabutan talaga ako. Feeling ko gusto ko masuka. Ackkk!

"Tang!na bro! Bigyan nyo nga 'to ng lima. Baka gusto makalima eh. Limang sapak. HAHAHAHAHA!"

"Erish eto pa hah. Baliktarin mo 'yung yehey..."

Nag-isip naman ako. Yehey... kapag binaliktad edi yehey pa rin.

"Oh, di'ba walang pinagbago. Ikaw pa rin ang gusto ko."

Kahit na corny ang banat nya, napangiti pa rin ako. Akalain mong isang Josh Ezekiel Villaflor ay may kalokohan din palang nalalaman.

"Glen Hendrix left the universe."

Ohhh?! Bakit pati si Glen na nananahimik dinamay pa nitong raulong Zan na'to.

Napatingin naman ako kay Glen at ganoon na lang ang gulat ko nang makitang nakatingin din pala ito sa akin.

Ngumiti naman ako ng pagkatamis-tamis. Pero isang malutong na "PSH" lang ang natanggap ko.

Sungit talaga!

"Erish kung nakakapanaginip ka pa rin ng mga masama, tuturuan kitang matulog ng mahimbing."

Hindi naman ako nananaginip ng masama eh. Akmang sasagot na sana ako nang...

"Una, tabi ka sa'kin."

Naiwan sa ere ang sasabihin ko dahil bumanat na naman sya. Kulang na lang ay sapakin ko ang sarili ko dahil muntik na akong sumagot, naalala kong bumabanat nga pala sya.

Tengene!

"Tapos pag-gising mo, nakakadena ka na. BWAHAHAHAHA!"

"Baliw!" Singhal nito sa tumatawang kaibigan bago muling tumingin sa'kin. "Minsan ako, madalas sayo."

TANG IN A CAN TALAGAAAAAAA!

Gusto kong tumawa pero pinipigilan ko. Kung hindi lang masama ang tinging ipinupukol sa akin ng katabi kong si Glen, kanina pa ako tumawa dahil waley na waley talaga.

"KYYYAAAAHHHHHH! KAMI 'YUNG KINIKILIG EHHHH!" Hiyaw ng mga bubuyogs naming classmates.

Edi kayo na dito sa pwesto ko. Chusera!

"Last na 'to Erish."

"Siguraduhin mo lang ahh... Dahil gusto ko na talagang sumuka sa kacornyhan mo." Actually ang totoo n'yan, gusto ko na talagang tumawa at paghahampasin sya.

Kung si Glen siguro ang bumanat sa'kin ng ganyan kanina pa ako naglumpasay sa kilig.

"Last na talaga 'to... Panis ang mahal na araw, kapag minahal kita araw-araw."

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now