Chapter 2 : Master

Start from the beginning
                                    

"For now, gusto ko munang makita ang guardians niyo. Call them."

"Uhm, lahat po sila?" tanong ni Lexi.

"Lahat."

"Pero...hindi pa po namin kayang tawagin sila nang sabay-sabay."

"Kaya nga tayo magtetraining."

Natahimik naman si Lexi habang ako ay kinabahan. Lahat? Then, pati siya tatawagin ko?

"Charlie, sal-ve!" Bigla namang lumabas si Charlie at lumipad-lipad siya sa taas ni Lexi.

"Oh. Siya 'yung kanina."

"Smith, sal-ve!" This time, 'yung white stallion naman ni Lexi ang lumabas pero parang naubos na lahat ng stamina ni Lexi sa pagtawag sa kanya dahil hinihingal na siya.

"Is this your main guardian?"

"H-hindi p-po."

"Meron pa?" tapos nagnod si Lexi.

"L-Lio, s-sal-ve!" after that ay napaupo si Lexi sa damuhan at sobrang pawis na pawis na siya. Pero napatingin lang ako sa spirit particles na naggagather sa harap niya...and Lio appeared.

Napaatras ako nung nagroar si Lio sa amin.

"You are really Leon's daughter," then ngumiti si Master dahil sa nakita niya.

Lio is a huge lion with golden fur. Sa pagkakatanda ko, halos pareho sila ng guardian ni Tito Leon pero kakaiba 'yung sa kanya. It's like a hybrid of three different animals.

"He has a chimera as his main guardian. It's one of the mythical guardians kaya mahirap i-handle pero mukhang kaya mo namang kontrolin ang isang 'to." Pero pagkasabing-pagkasabi pa lang ni Master nun ay bigla siyang sinugod ni Lio.

"L-Lio...stop." Halos hindi ko na marinig 'yung boses ni Lexi dahil sa exhaustion niya at nakaluhod na lang siya sa may damuhan.

"Lily!" sigaw ni Master at biglang lumapit sa kanya 'yung giant dove. Sumabit siya sa isang paa nun. Nung nasa ere na siya ay binitawan siya ng kalapati at naglanding siya sa likod ni Lio.

"Fal de," tapos tinap niya 'yung ulo ni Lio at after ilang seconds ay unti-unting tumigil si Lio sa pagwawala. Bumaba naman agad si Master sa likod niya at lumapit sa amin.

"Reika. It's your turn."

Kahit na kinakabahan ako ay sinunod ko pa rin siya.

"Jerry, sal-ve!" After ilang seconds ay lumabas si Jerry at nagpaikot-ikot na naman siya. Jerry is actually a huge Alaskan malamute. Halos ¾ na siya ng laki ko. "Carlos, sal-ve!" pagkasigaw ko nun ay naramdaman ko 'yung pagkawala ng lakas ko. Calling another guardian while one is still in the real dimension is really tiring.

Parang may buhat akong mabigat sa balikat ko kaya napaluhod ako nung lumabas si Carlos.

"Wow. That's a fast guardian."

Carlos is a cheetah at gaya nga ng sinabi ni Master ay mabilis siya. Nagamit ko na siya dati nung tumakas kami ni Lexi mula kay Tito dahil may balak siyang iligaw na naman kami.

"So how about your main guardian? Hindi pa sila 'di ba?" sabay turo niya doon sa dalawa kong guardians. Mukhang narealize niya na pareho kami ni Lexi na may tatlong guardians. Napalunok na lang ako dahil sa takot at kaba.

"H-hindi ko po siya kayang t-tawagin."

"Huh? Bakit?" Umiling lang ako dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. "Don't worry, ako ang bahala kung maging berserk man siya."

"Pero kasi po..."

"Call your main guardian."

Napabuntung-hininga na lang ako. Kinuha ko mula sa bulsa ko 'yung wooden tablet at binigay ko sa kanya. Shocked pa nga 'yung expression ni Master dahil sa nakita niya pero wala naman akong magagawa. I really can't summon it.

"Does that mean hindi mo pa siya namamarkahan?"

"Mmm," sabay tango ko.

"Bakit?!"

Bigla ko tuloy naalala nung una at huling beses kong sinubukang tawagin siya. Kapag kasi may bago kang guardian, kadalasan ay naka-seal sila sa wooden tablets at may sasabihin kang incantations para lumabas sila. And at that moment, you need to mark them para mapasa'yo sila. Marking is done by performing a blood seal para marecognize ka ng guardian as their master.

Pero nung sinubukan kong tawagin siya mula doon sa wooden tablet, hindi ko makita 'yung true form niya at blue light lang 'yung lumalabas. Doon ko narealize na sobrang daming spirit particles na ang naggagather at hindi ko sila kayang kontrolin. Hindi ko nga alam kung naghallucinate ako dati dahil nakita ko rin 'yung image nina Mama at Papa doon. Sinubukan kong ibalik sa wooden tablet 'yung guardian ko pero hindi ko magawa dahil wala na akong lakas. Buti na lang at dumating 'yung parents ni Lexi at sila ang gumawa ng paraan para pabalikin sa tablet 'yung main guardian ko. Sabi ni Tita Aina ay tatlong araw daw akong walang malay dahil pati 'yung life energy ko ay ginamit ko para lang macontain 'yung guardian ko. Kaya simula nun, hindi ko na tinry ulit na palabasin siya dahil sa sobrang takot.

Sinabi ko naman lahat 'yun kay Master maliban doon sa hallucination ko at ininspect niya 'yung tablet.

"If you're afraid to call your own guardian, how will you fight? Lahat ng Divians, pinagdaanan 'yan. At hinding-hindi ka makakasurvive dito kung wala kang main guardian. Kaya tawagin mo na siya. Maybe it's also waiting for your call," tapos inabot niya ulit sa akin 'yung tablet.

Dahil wala rin naman na akong  magagawa kundi harapin 'to ay inipon ko na lahat ng natitirang lakas ko. Nilapag ko sa harapan ko 'yung tablet at huminga ako nang malalim bago ko nirecite 'yung incantation.

"Es freit mich sie, ich han liip! Mwe kontan fe konesana siz menen ku zibana!" Biglang nagliwanag 'yung wooden tablet at nag-illuminate 'yung pangalan ng guardian ko doon kaya binasa ko 'yun.

"Phoebe, sal-ve!"

Pagkasabi ko nun ay parang hinugot sa akin lahat ng lakas ko at lumalabo na 'yung paningin ko. I can see orbs dancing in front of my eyes at nahihirapan na akong huminga. Gaya ng dati ay may blue light na lumabas sa tablet at naggagather sila sa harapan ko.

"Lutem olmasa per pias hyva. Gliek vat furtuna vinaka viel!" Nakita kong nagpeperform ng seal si Master at biglang nagkaroon ng pentagonal shape sa paligid namin ng guardian ko. This is...the incantation for the blood seal. She's really helping me.

Agad-agad ko namang sinugatan 'yung daliri ko para may lumabas na dugo. Kahit na sobrang hirap ay tumayo ako at lumapit ako doon sa spirit particles.

Unti-unting nagkakaroon ng form 'yung spirits at nagulat ako sa nakita ko. Akala ko blue lights lang 'yung lumalabas kanina pero blue flames pala. Ang init sa pakiramdam ngayong ganito ako kalapit sa kanya. Bigla namang nagliwanag at 'yun ang signal na tapos na ang formation ng guardian kaya gamit 'yung dugo ko ay nagdrawing ako ng 10-pointed star sa kanya.

"Phoebe, ocien buorre reis!"

Pagkasigaw ko nun ay bigla akong may narinig na ingay, like a cry or screech, mula sa kanya at nawala 'yung sobrang liwanag na light na bumabalot sa kanya. Nung nakita ko 'yung buong form niya ay natulala lang ako at tuluyan na akong napadapa sa lupa.

"So your main guardian is a mythical one. It's beautiful."

Nawala na 'yung pentagon seal na bumabalot sa amin at nakatingin lang ako sa main guardian ko habang lumilipad siya sa taas namin.

"W-wow. P-phoenix ang main guardian mo...Reika."

Nakahiga lang si Lexi sa damuhan habang tinitignang lumipad si Phoebe pati na rin si Lily, 'yung dove guardian ni Master.

Napangiti ako habang sinusundan ko sila ng tingin. Ang ganda niya. A phoenix with blue flames as her feathers. Now I have my main guardian.


***

Guardians | Self-Published under TaralikhaWhere stories live. Discover now