Masamang tingin ang isinukli ni Ella sa pinsan. "Ihetchu na talaga Kuya! Ibigay mo na nga sa'min ni bespren ang invitation sa birthday ni Kirko para makaalis na kami dito. Nakakaembyerna kayong mag-ama. May klase pa kami, nakakasira kayo ng beauty. HMP!"

Yeps! Its Kirko's 7th Birthday next next day.

Natatawang tumayo naman si Kuya Mico at nagtungo sa kabilang mesa na may nakalagay na mga cards. Pagkatapos ay lumapit ito sa amin at inabot ang dalawang cards.

"Ohhhh! Magtigil ka lang dyan. Baka sa labas ka pa ng Restau magkalat eh."

Siniringan naman sya ni Ella.

Ngumiting bumaling sa akin si Kuya Mico sabay abot ng card. Kinuha ko naman iyon kaya lang ay karga ko pa si Rika. Napansin naman nito iyon kaya kinuha nya muna sa akin ang anak na pumipikit na pala dahil sa antok.

Nang makarga ng maayos si Rika ay doon ko lang nahawakan ng maayos ang card.

Inihiga muna nito iyon sa malapad na sofa. Pinuntahan naman sil ni Ate Shane para alagaan ang natutulog na anak.

"Bagay pala sayo Margaux ang mag anak?!" Makahulugang wika ni Kuya Mico.

Tumaas ang kilay ko. "Compliment ba yan Kuya o nangiinsulto ka?"

Malakas na humalagakhak si Ella, pero mabilis ding natakpan ang bibig dahil baka magising si Rika na mahimbing nang natutulog.

"Ano ka ba, compliment iyon syempre. Bagay sayo maging sexy'ng may bahay."

Bagay sa'kin maging may bahay ni Glen. Ina ng kanyang mga anak. GANURNNN DAPAT!

"Bolero din pala 'tong asawa mo Ate Shane?! Naku, baka madami ang nabola nito dati ah," biro ko sa asawa.

"Madami nga. Ako lang yata ang hindi nabola nyan eh. Pero dahil mahal ko, bumigay din ako."

"Mahal na mahal din kita, My love!"

Tinakpan ko ang mata ni Kirko nang maghalikan ang mag-asawa sa harapan namin.

Jusko! HAHAHAHA!

Live porn! CHAROT!

"Aalis na talaga kami. Bahala na kayong magloving loving d'yan lovebirds. Babosshhh!"

Mabilis na niyakap ko naman si Kirko. "Pupunta ako sa birthday mo. Wait mo si Tita Erish ahh."

"Hintayin po kita Tita. Babye!"

"Mauna na kami Ate at Kuya."

"Ingat kayong dalawa."

I waved goodbye to them.

"Teka lang... Baka makasalubong nyo sina Gle—"

Hindi ko na naintindihan ang pahabol na sigaw ni Kuya Mivo dahil hinila na ako ni Ella palabas ng opisina nito. Sakto naman ang pagpasok ng lalaking hindi ko inaasahanna makikita ko sa ganito kaagang tagpo.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Josh kahapon about sa pagiging makulit at pasaway ko.

Nasasakal? Gano'n ba talaga ang nararamdaman nya sa tuwing kinukulit ko sya?

Grabe naman! Paano na kung mag-asawa na nga talaga kami? Ayoko namang gano'n ang maramdaman nya noh.

"OH MY!! Hindi ako nainform na pupunta rin pala dito sina Glen."

Hindi ko nasabi na kakilala din ni Kuya Mico ang tatlong iyan. Si Glen, Zander at Josh ay kabarkada ng pinsan ni Ella noong nag-aaral pa ito sa Westwood. Graduating ng college sina Kuya Mico at Ate Shane, samantalang 1st year naman kami that time.

Tumigil ang paligid at tangin mabilis na tibok lang ng puso ko ang aking naririnig, nang matama ang paningin namin ni Glen.

Babatiin ko sana ito ng magandang umaga na ginagawa ko na palagi, dati pa. Pero naisip ko na baka hindi ako nito pansinin na talagang ikapapahiya ko, lalo na at marami nang costumer ang restau.

"Uy, Glen!" Boses ni Kuya Mico na kalalabas lang ng opisina nito. Sinalubong naman nito ang tatlong lalaking pormang porma sa suot na uniporme.

Kahit ang ilang kababaihang na nasa loob ng restau ay napapatingin din sa mga ito. Ang lakas din kasi ng dating ng tatlo kahit naka simpleng uniform lamang. Black slacks, white long sleeve at black cote with necktie na pinaresan ng black shoes.

Naks! Goodboy na goodboy ang datingan.

"Dude! How's life?" Bati ni Glen kay Kuya Mico sabay fistbomb.

Biro naman agad ang bungad ni Zander dito. "Pareng Mico namiss ko kabataan mo. HAHAHAHA!"

"Where's your misis—I mean where's the kids? Namiss ko si Kirko lalo na si Sharika eh." Kumakamot sa batok na wika ni Josh.

Napailing na lang ako sa kalokohan ng lalaki. Siraulo talaga!

"Ay, hala ka! Ngumingiti ang loka kahit wala namang nakakatawa." Makahulogang bulong ni Ella sabay siko sa'kin. "Para kanino yang ngiting 'yan hah?!"

I rolled my eyes on her. "Wala! Bawal ba ngumiti? Natawa lang ako kay Josh."

Hindi ko pa pala naikukwento kay Ella ang naging usapan namin ni Josh kahapon, maging ang pagtulong nya sa akin. Later na lang.

"Himala! Change of hearts na ba this?"

"Gaga! Kwento ko sayo later ang news. Manahimikna muna d'yan."

Umaktong ziniper naman nya ang bibig.

Nagkukwentuhan ang apat na lalaki nang mapatingin sa akin si Josh.

"Oohhh?" Gulat ito nang makita kami. "Hi, Erish! Nakauwi ka ba ng maayos kagabi? Hindi kita naitext dahil wala akong number mo eh. Next time hihingin ko na talaga contact mo para macheck kita." He said while smiling.

Hindi ako nakasagot. Napatingin ako kay Glen at nakita kong nakatingin din pala ito sa akin. Nakataas ang kilay ni Glen kaya nakaramdam ako ng kilabot sa malalamig nitong mga mata.

Pakiramdam ko tuloy ay isa akong girlfriend na nahuling may ginagawang kalokohan behind her boyfriend's back.

Emesh!!!

"Magkasama kayong dalawa ni Erish kahapon? Kaya ba bigla kang nawala sa tambayan?" May ngising tanong ni Zander kay Josh.

Hindi naman sinagot iyon ng huli at tanging suntok sa balikat lang ang iginanti.

Kahit si Ella ay gulat din sa nalaman.

"So, sinamahan ka pa pala ni Josh hanggang sa matapos ang punishment mo? Bakit hindi ka manlang nagkwento bespren. DAYA!!"

"Hehehe! Nagkataon lang yun. Don't think too much guys." Kinapitan ko na sa braso si Ella. "Kuya Mico, una na kami ah."

"Sumabay na kaya kayong dalawa kina Glen—"

"H-Hindi na Kuya. May taxi nang naghihintay sa labas."

"Taxi? Akala ko maglalakad lang tayo?"

Bwesit! Ilaglag daw ba naman ako. Siniko ko si Ella para pigilan ang bibig nyang h'wag dumaldal.

"Ahhh, Oo. May taxi na sa labas Kuya. Mauuna na kami ah." Kumaway sya kina Glen.

Hihilahin ko na sana si Ella palabas nang magsalita si Glen na nagpainit ng dugo ko.

"Hindi ko alam na close na pala kayong dalawa ng kaibigan ko?! HUH!! Pagkatapos sa'kin, si Josh naman? So, sino ang isusunod mo? Si Zander?"

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon