"Ang cute talaga ni Rika kapag natutuwa, hindi katulad ng Ate Ella nya. H'wag kang tutulad sa Ate Ella mo paglaki hah, nananapak."

Tumawa naman si Rika na para bang naiintindihan ang sinabi ko.

"Tingnan mo'to. Kung anu-ano ang tinuturo sa bata. Hambalusin kita dyan eh."

"Ohh, Baby Rika. Inaaway talaga ako ng Ate Ella mo. H'wag ka talagang tutulad sa kanya ah."

Nakarinig kami ng tawa mula sa ina ng bata.

"Kayo talagang dalawa oh. Para kayong aso't pusa minsan. Nakakatuwa kayong panoorin. Halina na nga kayo sa opisina at kanina pa kayo hinihintay ni Mico."

Sumunod naman kami ni Ella kay Ate Shane. Pinagkakatuwaan naman namin ni Ella si Rika na cute na cute sa paghagikhik nito.

Sana all cute kapag tumatawa. Ako kasi minsan katunog ng tawa ni Jin ang tawa ko, windshield wipe laugh. HAKHAKHAKHAK! Parang kakapusin ng hininga sa pagtawa. Hindi sya nakakababae, nakakapang abnoy sya.

May mga staff o waitress na nag-aasikaso sa mga guest at mga taong pumapasok para kumain o magpareserve ng room for their small meeting, ect.

Maaga pa lang ay malapit ng mapuno ang restau. Isama pa na meron pa silang VIP rooms para sa mga business meetings ng mga negosyante o kahit ano na pinareserve ng costumer for occations.

At sa gabi naman ay may special dinner menu and tables sila for those couples who wants to take their wife or girlfriends for a dinner date. Pwede rin sa pamilyang gusto ng time together.

Pagpasok namin sa loob ay naabutan namin si Kuya Mico na nakaupo sa swivel chair nito habang nakakalong naman ang panganay na anak na si Kirko.

Kinukulit ni Kirko ang ama na busy naman sa pagsusulat kaya naiirita ito. May pagkamakulit talaga si Kirko lalo na at bata. Talagang magaslaw ang katawan nito at bibo din.

Napatingin sila nang bumukas ang pinto. May kislap na sumilay sa mga mata ni Kirko.

"Tita Erish!" Masiglang hiyaw nito pagkakita sa akin. Mabilis na bumaba ito sa pagkakalong sa ama at bibong tumakbo palapit sa akin.

"Tita Erish namiss po kita! Ang tagal mo po kasing dumalaw sa bahay eh. Sawa na po ako sa mukha ni Tita Ella." Magiliw na wika nito na nakayakap sa dalawang binti ko.

Naalala kong karga ko nga pa pala si Rika kaya hindi ko sya nayakap pabalik. Pero nanatili pa rin ang mahigpit na yakap nito sa binti ko habang nakatingala sa akin.

Natawa ako sa huling sinabi ng bibong batang ito.

"Ikaw na bata ka talaga! Ang bad bad mo. Ako ang kapamilya mo pero itong bespren ko pa ang mas love mo," pagtatampo ni Ella.

"Tita Ella lablab po kita...  Pero mas lablab ko talaga si Tita Erish." Sabay tawa ng malakas ni Kirko na nagpatawa rin kina Kuya Mico.

Sumimangot si Ella bago bumaling sa pinsang tumatawa. "May pagkasalbahe talaga yang anak mo Kuya Mico noh? Manang mana sayo."

"Saan pa ba magmamana, malamang sa ama." Kahit si Ate Shane ay natatawa rin dahil sa kalokohan ng anak.

She patted Ella's shoulder. "Ganyang talaga ang buhay. Magkakapamilya ka rin, kayo ni Margaux at mararanasan nyo rin ito. Tyaga lang talaga magpalaki ng bata."

"Buti na lang immune na ako sa loko-lokong bata na ito." Pinanggigilan ni Ella ang pisnge ni Kirko. "Kaya kaya ko nang bumuhay ng bata."

"Ang problema lang, wala ka pang kasama sa pag-gawa." Pinipigilan ni Kuya Mico na h'wag matawa nang sabihin nya ang mga katagang iyon sa pinsan.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now