SQ17: CELEBRATION

Start from the beginning
                                    

It takes minutes before one of the school's guard come to our new tree house and say na may dumating nga daw na foods for Sketch at dahil marami-rami ang in-order niya ay may dalawang guard pa na sumama para ihatid ang mga pagkain.

"Sketch pwede ba ibigay nalang natin itong isang box ng pizza kila kuyang guard? Pasasalamat sa paghatid nila ng foods sa atin" tanong ko kay Sketch, he look at me first before getting his own plate and put some food there.

"Yeah whatever, bring some bottled waters also" sagot niya nang di man lang ako tinitingnan. Kahit na masungit ang isang ito gets niya pa din ang word na pasasalamat at kahit papaano mabait naman siya.

"What are still doing here? Want me to help you?" Tanong niya pa na inilingan ko naman agad.

"Hindi na, ako na" nakangiti kong tugon.

"That's good, I'm starving na din. I don't want to help na din" sagot niya na ikinawala ng ngiti ko. Napasungit ng tipaklong na ito.

Agad akong bumaba dala ang isang kahon na pizza at yung mga tubig, malayo-layo na sila kuya kaya agad ko sila tinawag.

"Mga kuya!" Sigaw ko habang naglalakad, lumingon naman sila agad tapos isa sa kanila ang lumakad para salubungin ako.

"May kailangan po ba kayo, Miss?" Tanong niya.

"Ay wala po, ibibigay ko lang po sa inyo ito. Salamat po sa paghahatid ng mga food dito" sabi ko, agad naman siya umiling.

"Ay naku ma'am hindi na, mukhang mamahalin yan kaya wag na po. Nakakahiya naman" tanggi niya na tinanguan ng mga kasama niya.

"Grabe naman po kayo, sige na po. Magmeryenda po kayo" pangungumbinsi ko kaya napakamot pa siya sa batok bago tanggapin.

"Salamat ah, hehe nakakapanibago ang bagong batch ng Aureum Section" nakangiting sabi niya.

"Bakit naman po?" Tanong ko.

"Ang mga nakalipas na estudyante ng Aureum kasi ay hindi nakikipagsalamuha madalas sa amin at sa iba pang estudyante, pero kayo at ang iba mong mga kaklase ay nakikipag batian sa amin. Unang-una diyan yung lalaking naka dilaw na jacket? Palagi kaming binabati at nginingitian nun tsaka yung magandang babaeng na laging nakapink, lagi ding nakangiti sa amin yun" kilala ko kung sino ang tinutukoy niya at di na ako nagulat.

"Ah sila Chanel at Clyde ho ba? Ah talaga mabait po ang mga yun, friendly kumbaga" sabi ko naman.

"Jazzy cmon let's eat na!" Tawag ni Chanel mula sa veranda ng tree house, agad ako napalingon at nasa tabi niya si Clyde.

"Oh! Hi mga kuyang guards!! We're here, yohooo!" Kaway nito habang may hawak na chicken drumsticks.

"Sige na Ma'am mukhang kailangan ka na ng mga kaibigan mo" sabi ni kuyang guard tsaka umalis na. Ako naman ay agad tumalima para bumalik sa tree house, napangiti ako sa sinabi ni kuya. Totoo kaya yun? Ganun kaya ang tingin nila sa akin? Isang 'kaibigan'?

"Jazzy you're really nice" sabi ni Chanel sabay kapit sa braso ko, nginitian ko nalang siya tsaka kami pumasok sa loob. Nasa patong ang mga pagkain sa may kalakihang mababang round table sa gitna ng sofa. Naupo ako sa malaking sofa katabi si Chanel tumabi din sa amin si Sketch kaya tatlo kaming nakaupo ngayon dito, sa dalawang single sofa naman naupo ang kambal na nasa magkabilang gilid ng malaking sofa, sina Bruce at Thorn naman inakupa ang dalawang been bag chair habang si Axis kinuha ang isang wooden chair para upuan, si Clarenet naman ay doon naupo sa arm rest ng sofang inuupuan ni Summer habang sina Sum at Clyde naman sa sahig naupo pero nasasapinan naman ito ng carpet na medyo balbon.

"Guys guys guys listen up, lift your milkshakes dali and let's have a toss" pagtawag ni Sum kaya bumungisngis naman si Clyde bago itinaas ang kanya, ganun din ang ginawa ni Chanel.

Specimen Q (On-going) Where stories live. Discover now