Kabanata 11

1 1 0
                                    

"Dunia Fostoria"

"What the hell?" reklamo ni Atlan sabay hawak sa kanyang kaliwang pisngi.

Hinawakan ko ang kanang kamay ni Joachim na ipinangsuntok nito kay Atlan. He's just probably upset. Natakot lang ito sa naging reaksyon ni Atlan noong una. Paano ba naman kasi...

"Hindi ko alam kung bakit sa dami ng matitinong heneral, ikaw pa ang pumunta rito. Nasaan ba si Leighon?" iritadong sabi ni Joachim.

Tumayo si Atlan at pinagpagan ang kaniyang kasuotan.

"I'm sorry, okay? Huwag kang mag-alala, hindi namin pinapabayaan ni kuya ang iyong pamilya," seryosong sambit ni Atlan.

Nakita ko kung paano huminga ng malalim si Joachim.

"Nauubusan na tayo ng oras. Nasaan na nga ba ang ikalawang heneral ng Gennadios?" tanong ni Adelaida na nakaharap kay Atlan.

Natigilan kaming lahat nang makarinig kami ng huni ng lawin. Nagmula ito sa ibaba ng talon at lumipad papunta sa himpapawid. Sabay-sabay namin itong tiningala.

Nakabuka ang malaking pakpak ng lawin habang lumilipad ito papalapit sa direksyon namin. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang dala nitong maputing bagay na hawak ng kaniyang mga paa.

"Senso!" sumipol si Atlan habang nakatingin sa lawin na lumilipad sa itaas namin.

Agad akong namangha nang dumapo ang lawin sa kanang balikat ni Atlan. Iba't iba ang kulay nito, may itim, puti, at kayumanggi. Kinuha ni Atlan ang papel na nakasabit sa paa ng lawin.

Inilipat ko ang aking tingin sa hawak na papel ni Atlan. Naging kuryoso ako sa nilalaman noon.

"Senso," pagtawag ni Joachim sa ibon. Lumingon ito sa kaniya. 

Senso? He mean the eagle? Nanatili ang pagkamangha sa akin. I haven't seen a very intelligent bird before. This is the first time. Alaga ba ito ni Atlan? Tumingin ako sa ibon. Tumingin din ito sa akin. Itinagilid nito ang kaniyang ulo, mukhang nagingilala. Maya-maya ay yumuko ito bago muling tumingin sa akin. Napaaawang ang bibig ko.

"Nagbigay pugay si Senso sa iyo. Ang matalino kong alaga ay nakikilala kung sino ang dapat niyang pagkatiwalaan," sabi ni Atlan bago binalik ang tingin sa papel.

"This letter is from Leighon. Nahanap na na niya kung nasaan ang kakambal na talon sa Dunia Fostoria. Doon siya maghihintay sa atin ngunit sa isang taon pa siya pupunta dahil sa isang taon pa kayo makakarating doon dahil diyan kayo dadaan," pagbasa ni Atlan sa sulat, nag-angat siya ng tingin sa amin.

"Saang emperyo ang lagusang karugtong ng talon na ito, kung ganoon?" tanong ni Adelaida.

"Sa emperyo ng Hypathios. Sa kaharian ng Ikaros."

"Brace yourselves, we might face an attack the moment we stepped our foot in their land," seryoso si Joachim kaya bahagya akong kinabahan.

"W-why? May mga kalaban ba roon?" tanong ko.

"That place is full of vampire's unwanted creatures. The werewolves," sagot ni Joachim sa akin sabay baling sa talon.

"Hindi naman lahat ng lobo ay kaaway ng mga bampira. Nagkataon lamang na naghahari ang mga masasamang lobo sa Ikaros na taliwas sa paniniwala ng mga bampira at iba pang nilalang. Sa Archarion at ibang kaharian naman ay marami ring lobo ngunit mas bukas ang isip nila kaysa sa mga lobong nasa Ikaros," malamig na sabi ni Adelaida.

Sabay-sabay namin siyang nilingon. Hindi na dapat ako mabigla sa aking mga natutuklasan ngunit hindi ko maiwasan. Ngunit sa pagdating ng panahon, alam kong masasanay din ako sa lahat. Dapat ay bukas na aking isipan at handa sa pagkakataon na makakita ako ng nilalang na noon ay akala kong kathang isip lamang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The General's Immortal VowWhere stories live. Discover now