Kabanata 8

2 1 0
                                    

"Lioness" 

"Sino si Adelaida?" tanong ko kay Joachim nang naiwan kaming dalawa sa loob ng maliit na silid ng tindahan.

Umalis si Adelaida dahil magsisimula na raw siyang maningil sa mga tindero at tindera ng upa sa pwesto sa palengke. Siya rin kasi ang namamahala sa buong palengkeng ito.

"Isa siyang kaibigan," simpleng sagot ni Joachim na ikinakunot ng noo ko.

Bakit nararamdaman kong hindi siya maaring pagkatiwalaan? Sa tingin ko kasi ay marami siyang nalalaman sa akin ngunit itinatago niya ito sa kaniyang sarili. Kanina pa palaisipan sa akin ang naging reaksyon niya sa pagkarinig ng aking pangalan. Sa tingin ko ay mayroong mali.

"Nabanggit mo kanina na isa siyang Efthalia. Anong klaseng nilalang siya? Hindi siya isang bampira ngunit hindi rin siya isang pangkaraniwang tao. May natatangi siyang kakayahan."

Lumapit si Joachim upang maupo sa tabi ko. Kanina pa kasi siya nakatunghay sa bintana magmula noong iniwan kami ni Adelaida rito.

"Isa siyang tao na may basbas ng mga Mahantesha, mga diwata. Ang mga Efthalia ang binigyan ng mga Mahantesha ng kakayahan na malaman ang kapalaran ng ibang nilalang sa sa oras na magdikit ang kanilang mga balat."

Sa lagay kong ito, hindi na ako nagulat sa kaniyang sinabi. Naiintindihan ko na ngayon na hindi lamang mga tao ang nabubuhay sa mundong ito. Hindi sila nag-iisa. May mga buhay silang kahati sa mundong itinuturing nilang pag-aari.

"Kung ganoon, nakita na ni Adelaida ang kapalaran ko..."

Ngunit anong kakaiba sa pangalan ko? Sa aking pagkakatanda, inalam din ni Joachim ang pangalan ko noong nasa tulay kami. Nasisiguro kong may kung ano sa naging reaksyon nila.

Agad din siyang nagpaalam kanina si Adelaida sa amin nang malaman niya ang pangalan ko. Mukhang mayroon siyang pinangaiilagan. Mayroon siyang itinatago at iyon ang gusto kong malaman.

"Sinabi ni Adelaida na hindi niya nakita ng buo ang sa'yo sapagkat isa kang Eleithyia."

Hindi ako naniniwala. Sa tingin ko ay mayroon pa siyang ibang nalalaman at nakita.

"May kakayahan din ba ang mga Efthalia na malaman ang kapalaran ng isang nilalang sa pamamagitan ng pag-alam sa pangalan?" kuryosong tanong ko kay Joachim na umiinom mula sa isang kopita.

"Wala silang ganoong kakayahan, Andriette," ani Joachim at nilingon ako gamit ang litong mga mata.

Nag-iwas ako ng tingin. Ayokong malaman niya na mayroon akong pagdududa kaya naman ginawa ko ang aking makakaya upang pagtakpan ang tunay kong nararamdaman. Mukhang hindi niya pa rin alam na nakita ko ang nangyari sa gubat. Ayokong malaman ang kaniyang dahilan dahil alam kong muli na namang kikirot ang aking dibdib sa oras na malaman ko ang katotohanan.

"Nais ko nang magpahinga. Papasok na ako sa silid," paalam ko sa kaniya at hindi na ako naghintay pa ng kaniyang sasabihin, agad na akong pumasok sa loob.

Isinarado ko ang pinto. Iginala ko ang aking paningin sa loob ng kwarto nang makapasok ako. Mayroong isang kama at sa gilid nito ay may isang maliit na bintana. Mayroon ding maliit na tukador sa kanang bahagi ng silid. Mayroon ditong kandilang may sindi na nagbibigay ng kaunting ilaw sa kabuoan ng silid.

Lumapit ako sa bintana at sinilip ang labas. Ito marahil ang likod ng palengke. Wala akong ibang makita kundi ang matataas na puno. Hinawi ko ang kurtina kaya naman mas lalong dumilim ang paligid.

Dumako ang tingin ko sa maliit na tukador. Alam kong mali ang gagawin ko pero may nag-uudyok sa aking buksan iyon.

Dahan-dahan akong lumapit at naupo sa sahig. Pinasadahan ko ng aking kamay ang pintunan ng tukador upang bakasin ang mga bulaklak at baging na nakaukit dito. Sinubukan kong hilahin ang pintuan nito at napagtantong hindi ito nakakandado.

The General's Immortal VowWhere stories live. Discover now