Kabanata 2

3 1 0
                                    

"Sa Tulay"

Mula sa munting bintana ng maliit naming bahay ni Lola, tanaw ko sa kalangitan ang kalahating buwan na bahagyan natatakpan ng mga itim na ulap na mabilis ang paggalaw.

“Hindi ka pa ba tutulog, Andriette? Gabing-gabi na!” sigaw ni lola mula sa kusina.

Tumayo ako mula sa upuan sa tabi ng higaan at nilingon ang madilim na kagubatan sa hindi kalayuan. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at tuluyan nang isinarado ang bintana.

Pinuntahan ko sa kusina si Lola na abala pa rin sa paghahabi ng banig. Umupo ako sa kaniyang tabi at humilig sa kaniyang balikat.

“Ah sus! Naglalambing ka na naman. Hindi ka pa ba inaantok, apo? May pasok ka pa bukas... ” saad ni Lola na may ngiti sa mga labi.

“Sabay na po tayong matulog, La.”

Inihilig niya rin ang kaniyang ulo sa akin. Hindi ko akalaing darating ang araw na ito. Akala ko noon, iyon na ang katapusan ko. Akala ko, hindi ko na muling makakasama si Lola.

“Tulungan na kita, La. Ako ulit ang maggugupit ng mga sobra. Hindi naman ako marunong magbuo niyan, eh.”

Tumawa si Lola at umiling. “Paano, palagi kang nasa eskuwelahan at kapag nandito ay nag-aaral pa rin. Kaya hindi ka natuto nito.”

“Sinubukan ko naman po kaya matuto sa paghahabi ng banig. Mahirap lang talaga. Baka may powers lang talaga ang mga kamay niyo,” biro ko.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Lola at biglang nagseryoso ang kaniyang mukha. Kumunot ang noo ko.

“Bakit, La? Anong problema?”

Umiling siya at ikinumpas ang mga kamay. “Lumakad ka na sa kwarto mo at matulog ka na. Tatapusin ko na lang ito.”

“Tutulungan ko na kayong tapusin-“

“Matulog ka na, Andriette,” agap niya.

Ngumuso ako at tumayo na. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Lola at bigla na lang siyang sumeryoso. Wala naman akong sinabing masama. Ganyan na siguro talaga kapag tumatanda na.

“Good night, La,” paalam ko bago pumasok sa kuwarto. Tumango lang siya dahil abala pa rin sa paghahabi ng banig.

Mag-aalas dose na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Kanina pa patay ang ilaw at tapos na si Lola sa ginagawa. Natutulog na rin siya sa tabi ko pero gising na gising pa rin ang diwa ko.

Kapag ganitong tahimik, palaging nagbabalik sa akin ang masamang ala-ala ilang taon na ang nakakalipas. Alam ni Lola ang tungkol sa pangyayaring iyon. Nahuli rin ang grupo na sinubukan akong saktan. Ngunit ang isa sa mga lalaki ay hindi na natagpuan.

Tandang-tanda kong humandusay sa harap ko ang isang lalaki. Tanda ko rin ang mga pulang mata at masuyong boses. Hanggang ngayon, ayaw akong tantanan ng ala-alang iyon. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Nagising na lang ako na si Lola ang kaharap ko.

“Andriette! Salamat naman at gumising ka na!” nag-aalalang sabi ni Lola pagkamulat ko pa lang ng mga mata ko.

Gumuhit sa isipan ko ang larawan ng mga matang nagniningas na pula. Agad akong napabangon sa pagkakahiga at hinarap si Lola. Natataranta kong sinuyod ng tingin ang paligid.

Nasa bahay na ako!

Sarado na ang lahat ng bintana pero kita pa rin na madilim ang labas. Niyakap ko ang sarili at napansing iba na ang suot ko.

“L-lola, s-sa gubat,” bakas pa rin ang takot sa boses ko.

“Anong nangyari?! Hindi ka umuwi ng maaga, nag-alala ako! At bakit ganoon ang itsura mo kanina? Marumi at walang sapin sa paa! Nakita kita sa harapan ng bahay natin nang walang malay! Ano bang masakit sa’yo? Ayos ka na ba?” sunod-sunod niyang tanong na lalong nagpalito sa akin.

The General's Immortal VowWhere stories live. Discover now