Kabanata 1

5 1 0
                                    

Andriette

"Halimaw"

“Sundan niyo at huwag hahayaang makatakas!”

Nang marinig ko ang boses na nag-uutos, iisa lang ang bagay na nasa isip ko. Panganib. Panganib na ngayon ay banta sa buhay ko.

Panganib na palaging kalakip sa buhay ng mga tao. Minsan naiiwasan ngunit minsan, hindi matakasan.

Gaya ng pagdadala ng buhay, minsan may kalakip ding panganib. Gaya nalang ni Mama, ako ang naging panganib sa buhay niya. Gaya rin ng pagsuong sa isang paglalakbay na walang dalang mapa, mapanganib. Ang pakikipagsapalaran ni Tatay sa gubat upang maihanap ako ng herbal nang panahong nagkasakit ako, mapanganib din ngunit ginawa niya upang gumaling ako.

Ngunit bata pa man ang isip ko, alam kong  ako ang dahilan kaya wala na sila ngayon sa piling ko. Sinuong nila ang panganib upang iligtas ako. Palagi man sabihin sa akin ni Lola na hindi ko kasalanan dahil sadyang kalakip ang panganib sa buhay ng tao, ako pa rin ang dahilan kaya hindi naiwasan ang kapahamakang kaya pa namang iwasan.

Kaya ngayong kaharap ko ang tiyak na panganib, alam kong walang makakatulong sa akin kundi ang sarili ko.

Tumakbo ako at inilayo ang sarili upang iwasan ang nagbabadyang kapahamakan ngunit hindi ko namalayan na sa pagtakas ko, daang mas mapanganib ngayon ang siyang kaharap ko. Ngunit wala na akong ibang magagawa para bumalik pa at sa iba magtago. Alam kong maaari kong makasalubong ang mga masasamang loob na iyon. Alam kong nariyan lamang sila sa tabi at nag-aabang sa paglabas ko.

Huni ng ibong Kasay-kasay, kaluskos ng mga dahon, lagaslas ng tubig sa ilog, at ang mabigat kong panghinga ang tanging ingay na naririnig ko sa malawak na kagubatan.

Nang makarinig ako ng ibang ingay, tinakpan ko ang aking bibig gamit ang aking palad na nangangatal at pilit kong itinago ang aking sarili sa napakalaking ugat ng punong kahoy. Ang pagpatak ng mga luha ko ay hindi maawat.

“Nasaan na ang babae? Hanapin niyo! Baka mamaya magsumbong ‘yon!” narinig kong sigaw ng isa sa mga lalaking humahabol sa akin.

No matter how much I want to run, there’s something that stopping me to do so. I couldn’t dare to take more steps towards the middle of the forest no matter how dangerous staying here could be.

“Andriette! Hindi ba’t sinabi kong huwag kang maglalagi diyan sa gubat kung ayaw mong matulad sa iyong ama!”

Boses ng aking lola ang siyang naririnig ko sa sandaling ito. Mapanganib ang gubat ngunit hindi ko nanaising mamatay sa kamay ng mga lalaking ito.

There’s an undying myth that whoever crosses the heart of the forest will no longer be able to escape.  Mayroon daw halimaw sa gitna ng kagubatan at lahat ng mga taong hamaking guluhin ang kaniyang tahanan ay kaniyang pinapatay— kung hindi, ikinukulong. Mula pagkabata, ito na ang kinagisnan kong usap-usapan sa isla.

Ang tahimik ngunit mapanganib na kagubatan ng islang ito ay nagkukulong ng buhay. It seems unbelievable but my father serves as a warning to us.

Mula noong tatlong taong gulang ako ay hindi ko na muling nakita at nakapiling ang aking ama. Inagaw na siya ng halimaw sa akin. Ang tanging kasama ko na lamang sa buhay ay ang aking Lola. Si Mama naman ay hindi ko na nasilayan dahil namatay siya pagkapanganak sa akin. Tanging sa mga larawan ko na lamang nakikita ang mga magulang ko.

Muntik ko nang makalimutan ang sitwasyon ko ngayon dahil sa pangungulila ko sa aking mga magulang.

I am currently at the verge of death.

With the men who’s chasing after me, I am not safe. Gusto ko lang umuwi sa bahay namin ni Lola pagkatapos ng klase ngunit hinabol nila ako. Hindi ko alam kung ano ang gusto nila pero base sa kanilang mga tingin, hindi ito maganda.

The General's Immortal VowOnde as histórias ganham vida. Descobre agora