Kabanata 10

1 1 0
                                    

"Balita"

After days of staying at Adelaida's place, we came back to the island I used to called home.

Lulan ng isang maliit na bangka, naglakbay kami pabalik sa lugar na dati'y puno ng mga masasayang ala-ala ngunit ngayo'y nabahiran na ng mga ala-alang masakit sa akin.

Sa pagkakataong ito, kasama namin si Adelaida upang siguraduhing gumagana ang orasyon na isinagawa niya upang hindi kami matunton ng mga kalaban. I also discovered that aside from being a clairvoyant, an Efthalia can also perform different spells, rituals and bizarre practices.

According to them, my mark is now fully complete after the last full moon, and any time from now, my power will emerge from inside me. The horror I had when the grievous pain I feel coincided with  the full, bloody red moon is beyond limits. Doon ko napagtanto na hindi biro ang lahat ng ito. Akala ko hindi ko kakayanin. Akala ko katapusan ko na.

Muli akong naluha nang matanaw ko ang lugar kung saan nakatayo ang dati naming bahay. Wala na itong naiwan kundi ang bakas ng uling sa mga pundasyon nito.

Sa huling pagkakataon, pinagmasdan ko ang lugar kung saan ako lumaki. Napakalaki ng pagbabago nito. Napakalayo na ng itsura nito kumpara sa dati. And dating maberdeng bundok na matatanaw sa likod ng aming munting bahay ay parang wala ng buhay. Ang mga puno sa tabi ng daan papunta sa tulay ay tila wala ng sustansiya. Ngunit ang gubat na nag-iwan sa akin ng mga masasakit na ala-ala ay nanatiling masukal at madilim.

Pumikit ako dahilan upang magpatakan ang aking mga luha. Inalala ko ang dating itsura ng lugar na kailanman ay hindi ko malilimutan. Dito nananalaytay ang mga ala-ala ko kasama ang aking pamilya.

Nasa likod ko sina Joachim at Adelaida na hinahayaan ako na mag-isip at pagmasdan ang lugar na naging parte ng buhay ko at mahalaga sa akin.

"Simula nang mawala ang mga tangapangalaga ng lugar na ito, tila nawalan na rin ang mga buhay na nakatayo sa lugar na ito," wika ni Adelaida.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking balikat.

"Kayong dalawa ni Joachim ang tangapangalaga ng lugar na ito, Andriette. Ang inyong presensiya ang nagsisilbi nilang buhay. Marahil ay naramdaman nila ang inyong paglayo at ang bigat ng inyong nararamdaman."

Gumulat ang mga salitang iyon sa akin. Naalala ko kung gaano kayabong ang lugar na ito noon. Napupuno ito ng mga naggagandahang bulaklak at mga luntiang halaman. Hindi ko akalain na may koneksyon ako sa kalikasan kagaya ni Joachim na minsan ko nang nakita na kinokontrol ang tubig sa hangin.

"B-babalik pa naman ang lahat sa dati, hindi ba?" tanong ko at nilingon si Adelaida, sunod si Joachim.

Tumango si Adelaida. Nakahinga ako ng maluwag. Gusto kong mapanatili ang kagandahan ng lugar na ito. Upang patuloy rin makinabang ang mga iba pang taong naninirahan sa islang ito.

Sa huli, nilingon ko ang gubat. Pumikit ako at nag-alay ng dasal para sa kaluluwa ni Lola.

Ipinapangako ko sa'yo, La, hindi ko hahayaan na mapunta sa wala ang iyong pagkamatay. Bibigyan ko ng hustisya ang nangyari sa iyo. Tutuparin ko ang nais mo na talunin namin ang kasamaan. Magtutulungan kami ni Joachim.

Mahal na mahal kita, Lola.

Pinahid ko ang aking mga luha. Huminga ako ng malamim bago ko  hinarap si Joachim at Adelaida.

"Lumakad na tayo," ako na mismo ang nagsabi.

Tumango si Adelaida sa akin. Nanatili namang nakatingin sa akin si Joachim ng ilang sandali bago tuluyang tumalikod para pangunahan si Adelaida sa paglalakad.

The General's Immortal VowWhere stories live. Discover now