Kabanata 5

2 1 0
                                    

"Kaarawan"

The smell of morning mist filled my nose. I opened my eyes and saw an unfamiliar antiquated room.

Napabalikwas ako sa aking hinihigaan. This is not my room! I rummaged my body when I noticed that I'm wearing a different clothes. Nakasuot ako ngayon ng puti at mahabang bestida.

Sinapo ko ang aking ulo dahil sa biglaang pagsakit nito. Biglang pumasok sa aking isipan ang mga nangyari kahapon. Nilingon ko ang bintana sa aking tapat at natanaw ang mga naglalakihang puno at ang mga pula at dilaw na dahon nito.

Nagmamadali akong lumabas sa silid. Hindi man pamilyar sa lugar, sinunod ko kung saan man ako dalhin ng aking paa.

Ilang minuto na akong paikot-ikot pero walang katao-tao. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko.

Where is my Lola? Where am I?

Napaupo nalang ako sa kahoy na sahig at sumubsob sa aking mga tuhod. Nasaan ako at bakit ako lang mag-isa ang narito?

"You're already awake..." nagulat ako nang biglang may magsalita sa aking likuran.

Napabalikwas ako at agarang tumayo. Muntik na akong matumba sa biglang pagdilim ng paningin at pagkahilo. Kung hindi ko lang naramdaman ang mga kamay na sumalo sa akin ay tuluyan na akong natumba sa sahig.

Agad akong lumayo sa pagkakahawak sa akin ng lalaki. I've never been touch by a man before. Humakbang siya at naupo sa isang upuan sa gilid ko. Nanatili naman akong nakatayo.

I shifted my gaze then cleared my throat. "Nasaan si Lola?"

"Magkasama kami kanina upang mangaso sa gubat. Umuwi ako nang maramdaman kong nagising ka na."

Nakahinga ako ng maluwag.

"Nasaan tayo?" tanong ko bago ilibot ang paningin sa kalooban ng mukhang antigong bahay.

"Nasa bahay ko."

I can't remember. Naaalala ko lang ang paglalakad namin sa gubat, hindi kasama ang pagtapak ko sa bahay na ito. Ano kayang maaring nangyari?

Ang mabuti pa, si Lola na lang ang tatanungin ko. Susunod ako sa kaniya sa gubat. I don't think I can stand being with him for a longer moment, I think my chest will collapse. My heart is beating wildly. Umiling-iling ako sa sariling nararamdaman.

"Why don't you ask me instead?" tanong ng lalaki sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko. Nababasa niya ang nasa isip ko! Kailan pa?!

"Since yesterday, when you opened our mind link," bigla akong may narinig na boses sa aking isip. Sigurado akong sa kaniya iyon.

"Stop reading my mind!"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Ibig sabihin alam niya lahat? No way!

"I can't. You're the one who opened it," aniya habang nanunuyang nakatingin sa akin. 

Then how will I close it? Ayokong malaman niya ang mga naiisip ko. Umismid ako. Bahala siya. Hahanapin ko nalang si Lola.

Umalis ako sa kaniyang harapan. Siguro naman ay nasa malapit lang si Lola. Lumabas ako ng pintuan at bumungad sa akin ang napakagandang tanawin.

Napapalibutan kami ng mga naglalakihang puno na may kulay pula at dilaw na dahon. Berde ang mga damo at maraming bulaklak sa paligid. Nagkalat din ang mga paru-paro na lumilipad sa hangin.

Hinakbang ko ang aking mga paa. At sa oras na lumapat ang mga ito sa mga damo, parang nakalimutan ko ang lahat. Sobrang gaan sa pakiramdam. Narinig ko ang pag-agos ng tubig sa hindi kalayuan. Humakbang pa ulit ako ng ilang beses hanggang sa maramdaman kong may nakasunod na sa akin.

The General's Immortal VowWhere stories live. Discover now