Kabanata 3

3 1 0
                                    

"Name"

Nililipad ang aking isipan sa buong maghapon na nasa unibersidad ako. Hindi ko alam kung bakit muli siyang nagpakita sa akin. At kung bakit inakala niyang isa akong diyosa sa una naming pagkikita.

Ngayon namang sinabi niya na hindi nga ako isang diyosa, muli niyang ginulo ang aking isipan dahil sa tanong na lumabas sa kaniyang bibig. Kilala ko ba talaga kung sino ako? Nakakatawa dahil kung titingnan, simpleng tanong lang iyon pero dahil nagmula sa isang kagaya niya, nabagabag ako ng husto.

Hindi ko maiwasang matakot dahil sa sinabi niya sa akin. Isa siyang bampira. An ex-vampire general to be exact. Pero kahit na anong pag-iisip ang gawin ko, parang hindi pa rin maiproseso ng utak ko ang mga salitang kaniyang tinuran tungkol sa kaniyang sarili at tungkol... sa akin.

Hindi ko namalayan na nasa labas na pala ang mga titig ko sa kalagitnaan ng aming huling klase sa araw na ito.

"Miss Desma are you with us?" si Professor Vonneursont.

Agad akong napalingon sa unahan. Nakatingin na sa akin ang aking mga kaklase. Ang propesor na tumawag sa akin ay ang pinakabata at  pinakamagaling na propesor sa unibersidad na kilala sa taglay nitong kakisigan. Kaya lang sobrang higpit niya sa mga patakaran kaya hindi rin siya gusto ng mga ibang estudyante.

Nakataas ang kilay nito sa akin. Umayos ako ng upo.

"Sorry Professor..." mahinang sambit ko. Kumunot ng bahagya ang kaniyang noo, mukhang hindi narinig ang sinabi ko.

"Class, stop imagining your boyfriends when I'm lecturing here in front! Your focus should be only on me, understand?"

Agad sumang-ayon ang mga kaklase ko lalo na ang mga kababaihan. Ngumuso ako.

"Do you understand that, Miss Desma?"

"Yes professor. I'm very sorry," sagot ko kahit na hindi naman talaga tungkol doon ang iniisip ko.

Tumango ito at inayos ang kaniyang suot na salamin bago muling ibalik sa pisara ang kaniyang tingin upang ipagpatuloy ang naantalang diskusyon.

Ilang beses na akong natawag ng mga professor dahil hindi ako nakikinig sa klase nila. Sobrang daming gumugulo sa utak ko!

Hindi naging normal ang maghapon ko. Kung masasabi nga bang normal ang buhay ko. Pakiramdam ko'y puno ng misteryo ang buhay ko. Mula sa pagkamatay ng mga magulang ko, sa pananahimik ni Lola sa nangyari sa akin sa gubat, at sa pagpapakita sa akin ng isang hindi pangkaraniwang nilalang.

Wala sa sarili kong tinahak ang daan pauwi. Diretso ang paghakbang ng mga paa ko sa gitna ng damuhan at natigilan nang magawi ang tingin sa bukana ng tulay.

Ang makisig na postura ng nilalang na may kasalanan sa pagkakabuhol-buhol ng mga katanungan sa aking isipan ay nakahilig sa barandilya ng tulay. Nakatuon ang kaliwa niyang braso sa tulay habang ang isang kamay ay ikinukumpas sa ere at isinasayaw ang tubig sa hangin. Napaawang ang bibig ko sa nasaksikhan. He's indeed a vampire!

Nang matunton ako ng malamig niyang mga mata ay kusa nang naglaho sa hangin ang bilog na tubig. Itinago naman niya ang mga kamay niya sa kaniyang likuran bago tumayo ng tuwid at harapin ako ng tuluyan. Abot naman ang kabog ng dibdib ko.

"I-ikaw na naman..." bulong ko sa aking sarili.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin pero sa huli, pinili ko nalang magpatuloy sa paglalakad. Bagaman kinakabahan, hindi ko mapigilan ang aking sarili na sumulyap sa kaniya. Labis akong nahihiwagaan.

Dahil nakatira kami sa liblib na lugar, hindi na bago sa amin ang mga kwento tungkol sa ibang mga nilalang na puno ng hiwaga at kinakatakutan. At ngayong mayroong nakatindig sa aking harapan na naiiba sa aming uri, hindi ko mapigilang isipin kung ano ang maaring dahilan nito.

The General's Immortal VowWhere stories live. Discover now