Kabanata 9

1 1 0
                                    

"Kapalaran"

It was just blank. The paper that fell from the book is empty. Its just the same size with the other pages of the book but nothing is written on it.

Pagkatapos ng ilang araw, ngayon ko lang naalala ang papel na nahulog mula sa libro sa tukador ni Adelaida. Pansamantala ko iyong itinago sa gilid ng tukador at ngayon ko lang naalala. Pinag-iisipan ko pa kung ibabalik ko pa iyon o hindi na pero sa huli, nagpasya akong ibalik iyon.

Mag-isa ako ngayong hapong ito sa loob ng silid. Abala si Adelaida dahil may inaasikaso sa palengke. Si Joachim naman ay nasa labas at hinahayaan akong mapag-isa.

Pagkatapos kasi noong nangyari kagabi ay iniiwasan kong mapalapit sa kaniya dahil sa labis-labis na nararamdaman.

Naghalikan kami! At hindi lang iyon, nagkagatan pa!

Uminit ang dalawa kong pisngi nang maalala ko ang naging kapusukan namin. Hindi naman ako dating ganito. Pero sadyang nasa bokabularyo na ata ng mga bampira ang salitang kapusukan. Dapat na siguro akong masanay.

Dapat na akong masanay?

Bakit Andriette, inaasahan mo bang may kasunod pa kayong gagawin? Ipinilig ko ang aking ulo at nagpakatotoo nalang sa mga naiisip kong posibilidad.

Hindi malabo sapagkat magkapareha kami. At nagiging mahina ako minsan. Marupok, kung normal na tao pa ako ngayon.

Pumikit ako ng mariin at isinantabi ang mga naiisip. Kailangan ko nga palang ibalik ang papel na ito.

Kahit na wala itong sulat, nararapat ko itong ibalik dahil mali naman talaga ang ginawa ko noong isang araw. Nakialam ako sa gamit ng iba. Iyon ay dahil may pagdududa ako kay Adelaida. Pero pagkalipas ng ilang araw at hindi naman kami napapahamak ni Joachim, medyo gumaan na ang pakiramdam ko sa kaniya.

Dahan-dahan akong lumapit sa tukador at lumuhod. Nahanap ko ang libro. Binuklat ko ito upang isingit ang blankong pahina. Ngunit nanlaki ang aking mga mata nang unti-unting lumabas ang mga letra sa blankong papel sa oras na muli itong lumapat sa libro.

Lalo akong naestatwa sa aking posisyon nang lumabas ang pangalang hindi ko inaasahan mula sa papel. Naibagsak ko sa sahig ang libro.

Kasabay ng paghiwalay ng punit na papel sa libro ay muling nawala ang nakasulat dito.

Kaya ba may kakaiba sa reaksyon nila nang malaman nila ang pangalan ko dahil sa nakasulat sa librong ito?

Huminga ako ng malalim at pinulot sa sahig ang kapirasong papel, kasabay nito ay ang panlalaki ng aking mga mata nang nakarinig ako ng boses sa aking likuran.

"Nakakabigla, hindi ba?" malamig ang boses ni Adelaida sa aking likuran.

Dahan-dahan ko siyang nilingon. Banayad siyang nakatingin sa akin at may bakas ng maliit na ngisi sa kaniyang mga labi. Tumayo ako at pinulot ang libro mula sa sahig. Hinawakan ko ito ng mahigpit.

Alam kong nararapat akong humingi ng paumanhin at ipagtanggol ang aking sarili ngunit hindi ko magawa. Ano pang saysay noon kung alam ko naman sa aking sarili ang tunay na dahilan. Naisip ko rin na maaaring nakita niya na rin na mangyayari ito nang minsan niyang nahawakan ang aking kamay. Siya pa rin kasi mismo ang gumamot na mga paso ko sa kamay na nakuha ko mula sa kandila. Kaya hindi na ako masyadong kinabahan.

"Maaari mo po bang sabihin sa akin kung ano ang dahilan? Kaya ba nabigla kayo nang sambitin ko ang aking pangalan dahil nakita niyo na iyon sa librong ito?" litong tanong ko.

Hindi siya sumagot. Lumapit siya at kinuha mula sa akin ang libro. Naupo siya sa kama at tinapik ang kaniyang gilid.

"Maupo ka."

The General's Immortal VowWhere stories live. Discover now