Kabanata 4

2 1 0
                                    

"Kalaban"

I grew up with my grandmother only. My mother died while giving birth to me. I believed that my father died when I was three years old only to find out that he's in far away place, hiding from the enemies in order to protect me.

Yes, I understand that they just wanted to protect me. But how about the years of my melancholy?

Lubos akong nangungulila sa pagkalinga ng aking mga magulang. Masaya ako kasama si Lola pero naroon pa rin ang sakit dahil sa pagkawala ng aking ama't ina. Bakit kailangan naming danasin ang mga ito? Ano ba ang nagawa namin upang naisin ng mga kaaway na burahin kami sa mundo?

My childhood is simple. I don't have any friends but I have my Lola. I remember spending my past birthdays with my grandmother. Simple but peaceful.

Malapit na ang kaarawan ko. Ilang araw na lang mula ngayon. At sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ako nakaramdam ng excitement. Siguro dahil nagulat ako sa lahat ng aking natuklasan. O siguro dahil sa maaaring pagbabago ng buhay ko sa pagtungtong ko sa sinasabi ni Lola na wastong gulang.

Hindi ko matanggap ang lahat. Pakiramdam ko habang mas nalalapit ang aking kaarawan, mas lalong lumiliit ang mundo para sakin. Mas lalo akong hindi makahinga. Ayaw ko nang lumipas pa ang mga araw. Kung maari, gusto ko nang lumayo rito.

Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin sa mga susunod pang bukas. Pero kahit na ganoon, nagpatuloy ako sa pagpunta sa unibersidad upang malayo ang aking isipan mula sa mga nangyayari sa realidad.

Matagal ko nang iniisip na parang may mali. Sa tagal ng panahong inilalagi ko sa paaralan, wala man lang nagtangkang makipagkaibigan sa akin. Bukod sa minsang pakikipag-usap ng mga estudyante sa akin, hindi na iyon humigit pa roon. Bakit? Nararamdaman ba nila na may kakaiba sa akin? Kung ganoon, bakit hindi ko iyon naramdaman noon sa aking sarili?

Ang mga hinala ko at ang mga sinabi ni Lola sa akin ay unti-unti nang nabibigyang linaw.

Nais akong protektahan ng aking mga magulang mula sa mga kalaban. Sino ang mga kalabang iyon? Mga bampira ba? At kung ako nga ang nakatakdang babae mula sa propesiya, mayroon ba akong tinataglay na kanilang pinangangailagan?

Gusto nilang tapusin ang aking buhay dahil sa kakayahang tinataglay ko na hindi ko pa lubos na nalalaman. Ano na lamang ang papel ng lalaki sa gubat sa aking buhay. Isa siyang bampira, bakit kinakailangan kong magtiwala at sumama sa kaniya? Hindi ba siya isang kalaban?

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa napagtanto. Nagmamadali akong tumakbo at tinahak ang daan pauwi. Nais kong tanungin si Lola. Ngunit nang nasa kalagitnaan na ako ng daan, napatigil ako dahil sa kakaibang naramdaman.

Malayo pa ang ilog mula sa kinaroroonan ko, kaya bakit naririnig ko na ang agos nito? Agad akong napalingon nang may marinig akong kaluskos sa aking likuran ngunit pagharap ko ay wala naman akong nakita kundi ang paggalaw ng mga halaman dahil sa hangin.

Pinakiradaman ko ang paligid gayundin ang aking sarili. Bakit tila may nag-iba? Napatakip ako sa aking tainga nang magliparan ang maraming ibon sa malayong dako ng gubat.

My... my ears... bakit ang sensitibo ng aking pandinig? Anong nangyayari sa akin?

Sa pagnanais na mabigyan ng kasagutan, mas binilisan ko ang pagtakbo pauwi sa amin ngunit ang aking bilis ay hindi na rin normal. Sa isang iglap, nasa harap na ako ng tulay at ang bawat pagtama ng tubig sa mga bato ay malinaw at napakalakas sa aking pandinig.

What's happening to my body?

Bumilis ang tibok ng aking puso. Tumingala ako sa kalangitan. Unti-unti nang sumisikat ang bilog na buwan. Kinabahan ako ng husto. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras, tinahak ko na ang daan pauwi.

The General's Immortal VowWhere stories live. Discover now