Kabanata 6

2 1 0
                                    

"Fangs"

Tagaktak ang aking pawis habang patuloy kong iniiwasan ang mga palasong papunta sa direksyon ko. Alisto kong tiningnan ang buong paligid upang hanapin ang mamamana ngunit hindi ko namalayan ang aking likuran.

Bumulagta kami sa lupa. Nasa ibabaw ko ngayon si Joachim at ikinukulong nya ako sa pagitan ng dalawa niyang bisig.

"You lose," preskong sabi ng bampirang nasa ibabaw ko.

Tiningnan ko siya ng diretso habang pinagniningas ko ang aking mga mata. Sinusubukan kong gamitin sa kaniya ang inaaral kong panghihipnotismo pero natigil ito nang nakawan niya ako ng mabilis na halik sa labi.

"Madaya ka!" asik ko at inilayo ang katawan niya sa akin. Tumawa siya.

Tumayo ako at pinagpagan ang aking kasuotan. Nanatili naman siyang nakaupo habang nakatukod ang dalawang kamay sa lupa at pinanonood ako.

Nag-eensayo kami ngayon sa gitna ng kagubatan na pinagtataguan namin. Ilang buwan na rin kaming nagtatago ni Joachim simula noong namatay si Lola. Nagpapanggap kami at nakikihalo sa mga tao upang hindi kami mabilis na matunton.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos natatanggap ang sinapit niya sa kamay ng mga masasamang bampira kaya naman pinag-aaralan kong mabuti ang paggamit ng aking kakayahan bilang isang bampira. Hindi ko pa rin natutuklasan at kung paano gamitin ang tinataglay kong kapangyarihan at tinutulungan ako ni Joachim upang palabasin iyon.

Sa loob ng ilang buwan, natututunan ko ding pagkatiwalaan siya. Sa mga nagdaan ding panahon ay hindi naman niya ako ginawan ng masama maliban na lamang sa kagaya ng ginawa niya kanina na pagnanakaw ng halik na palagi ko namang pinapalampas. Hindi naman iyon masama, minsan nga ay nagugustuhan ko pa.

What am I thinking? Good thing, I learned how to close our mind link temporarily. He won't be able to read my mind and hear my thoughts.

Parehas kaming naging alerto ni Joachim nang makaramdam kami ng ibang presensiya. Lumapit siya sa akin nang hindi inaalis ang pagiging alerto.

"Isang tao," bulong niya.

Nakita namin ang isang lalaki na nagngunguha lang ng mga bungang kahoy. Naguguluhan itong tumingin sa amin ng kasama ko. Ngumiti ako rito at umuna na sa paglalakad bago pa man ito may maisip na kakaiba.

Nang masigurado kong wala nang ibang tao, doon ko na ginamit ang aking bilis bilang isang bampira patungo sa kubo na tinutuluyan namin. Sa tuwing may mga tao kaming nakakasalamuha, nagpapakilala kaming mag-asawang magsasaka.

Hindi rin nagtagal ay nakasunod na sa akin si Joachim. May mga dala siyang prutas na inilagay niya sa isang lamesa.

"Saan iyan galing?" tanong ko.

Lumingon siya sa akin at ngumisi. Nanlaki ang mga mata ko.

"Kinagat mo ba ang lalaki sa gubat?!"

"No. He gave it to me willingly. Ibigay ko raw sa aking asawa."

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kinagat niya iyong lalaki. Kahit na isa na akong bampira ngayon, kumakain pa rin ako ng mga pagkaing nakasanayan ko noon. Si Joachim naman ay ganoon din. Hindi naman nagugutom ang mga bampira. Kumakain lang kami upang magmukha kaming normal na tao.

In the past months, I am learning to embrace the new me. Pinag-aaralan ko nang tanggapin kung ano ang kapalaran ko. Gusto kong sundin ang mga kagustuhan ni Lola dahil iyon nalang ang tangi kong magagawa. Sisiguraduhin ko rin na mabibigyan ko ng hustisya ang kaniyang pagkawala.

"Joachim..." pagtawag ko sa kaniya isang araw habang namamahinga kami pagkatapos ng pag-eensayo.

Kahit na kumportable na ako sa kaniya, hindi ko pa rin siya lubos na kilala. Ang alam ko lang ay dati siyang heneral at mayroon siyang kapatid at ina na naiwan sa Gemoshazlya. Siya ay aking kapareha. Bukod doon ay wala na akong ibang alam.

The General's Immortal VowWhere stories live. Discover now