Kabanata 15

36 4 2
                                    

Kabanata 15

Leones's POV

Pakiramdam ko naiipit na 'ko sa ginawa ko kay Jess. Alam ko naman na hindi magtatagal at malalaman nila kung ano'ng ginawa ko sa kaniya. I handed her to Valiente. I didn't feel any remorse for doing it. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa kaniya ngayon. Hindi ko rin sigurado kung buhay pa ba siya.

I took a heavy breath and opened the door of my house. Dito kami nakatira ni Moah. Pagbukas ko ng pinto ay tahimik. Dalawang palapag itong bahay namin. Sa baba ay sala at kusina. Sa taas ay dalawang kuwarto. Isang bedroom na may banyo na rin at kuwarto na ginawa naming gym. Una kong napansin ang nakabukas na ilaw sa bandang kusina.

"Moah?" sabi ko sabay bukas ng ilaw dito sa sala.

Nilapag ko ang camera at knapsack na bitbit ko sa kulay gray naming sofa. Itong bahay namin ang pahingahan ko. Pinag-ipunan namin 'to at lahat ng mga gamit sa loob ay nanggaling sa pawis at dugo namin. Natigilan ako nang madaanan ko ang picture frame namin ni Moah na nakapatong sa glass table sa tapat ng sofa. Nakangiti kami pareho. Nakapulupot ang mga braso ko sa kaniya habang nakatayo ako sa likuran niya.

Bahagya akong ngumiti. Magiging tatlo na kami sa susunod na taon.

Dumiretso ako sa kusina. Hindi 'to kalakihan. Si Moah ang nag-isip ng design dito dahil mahilig siyang magluto. Natigilan ako nang makita ko siya. Nakatalikod siya sa 'kin habang nakaharap sa lababo. Bahagya siyang nakayuko. Pinasadahan ko siya nang tingin. Nakasuot pa siya ng corporate attire at pants. Kakauwi niya pa lang sa trabaho niya bilang broadcast journalist. Sa lahat ng mga babaeng nakilala ko noon sa kolehiyo, siya lang ang nagtiyaga sa 'kin.

"Moah? What happened? Bakit nakayuko ka?" nag-aalala kong tanong. Baka nahihilo na naman siya. Madalas ay nagigising ako ng madaling-araw dahil tatayo siya at didiretso sa banyo para dumuwal.

Lalapitan ko na sana siya nang mapansin kong kumuyom ang mga kamao niya. Nagtataas-baba ang mga balikat niya. My brows furrowed at the sight of her. Parang hindi niya 'ko naririnig. Parang hindi niya nararamdaman ang presensiya ko sa likod niya. Baka dahil lang 'to sa pagbubuntis niya.

Dumiretso ako sa refrigerator. Binuksan ko 'yon at inabot ang glass pitcher. Pagkatapos ay naglakad ako malapit sa kaniya para kumuha ng baso sa cabinet sa bandang kanan niya. Nag-salin ako ng tubig sa baso at ininom 'yon. Tinignan ko siya pagkatapos. Wala pa rin siyang imik.

"Pagod ka ba sa trabaho? Sabi ko naman kasi sa 'yo 'wag ka na munang mag-trabaho. Baka mapa'no ka."

"Why, Leones?"

Natigilan ako sa sagot niya. Kung hindi siya ang nasa harapan ko ngayon ay iisipin kong ibang tao ang nagsalita. Parang may kakaiba sa boses niya.

"Are you alright, baby?" tanong ko. Nilambingan ko ang boses ko. Minsan kasi gusto niyang magpa-lambing. Kabisado ko na siya.

Akmang hahawakan ko siya nang umiwas siya. Doon na niya 'ko hinarap. Hindi umalis ang titig ko sa mukha niya nang makita kong namumula ang mga pisngi niya. Nakatitig siya sa 'kin nang seryoso.

"What is this, Moah? Marami ka bang ginawa sa work mo kanina? Tara na. Magpahinga ka na. Ititimpla kita ng gatas," sabi ko at naglakad papunta sa mga drawers para kumuha ng gatas.

"What is this, Leones?" singhal niya.

Nilingon ko siya at bumaba ang tingin ko sa hawak niya. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa nakita ko. It was the edited picture of her face with bullet holes all over it. Nagtaas sa mukha niya ang tingin ko. I made a fake laugh.

"What's that?"

"You didn't know?"

Umiling ako. "I wouldn't ask if I know."

Nights of DisquietWhere stories live. Discover now