Kabanata 4

54 7 0
                                    

Kabanata 4

Jess's POV

Huling araw ng Marso. Nag-umpisa na ang campaign period. Labas-pasok kaming dalawa ni Leones dito sa Quezon City. Habang lumilipas ang mga araw, pakapal nang pakapal ang mga political tarpaulins sa paligid. May ilang nasa maayos na puwesto. Ang iba ay punit-punit. Intensyonal o dahil lang sa hangin. Mayro'n ding mukha ng mga pulitikong ginuhitan ng mga mahahalay na symbols. At kapansin-pansin din ang ibang mga posters na sinadyang baklasin at pinalitan ng ibang posters.

Mayro'n ding sunud-sunod na tarpaulins ng iisang kandidato ang nakabalandra sa gilid ng kalsada.

Re-elect Lady Aguilar.

Re-elect Lady Aguilar.

Re-elect Lady Aguilar.

Re-elect Lady Aguilar.

Re-elect Lady Aguilar.

Re-elect Lady Aguilar.

Re-elect Lady Aguilar.

Marami ring mga murals na ginuguhit. Iba't-ibang kulay ng mga pinturang ginamit ng mga Filipino voters para ipahayag ang mga gusto nilang ibotong partido sa darating na eleksyon sa Mayo.

Isa ang Quezon City sa NCR kung saan madalas nagka-campaign rallies ang mga pulitiko dahil sa million voters na nakatira rito. Kahapon, maraming Pilipino ang dumalo sa rally ng isang partido sa Quezon Memorial Circle.

Noong nakaraang buwan ay nag-release ng statement si Mayor Gloria Valiente at sinabing bukas ang Quezon City sa kahit sinong partido na gustong ilatag ang plataporma at makakuha ng boto sa nasabing lungsod.

Nandito kami ngayon ni Leones sa labas ng Quezon City Hall kung saan hinihintay namin ang pagdating ni Mayor Valiente. May mga katanungan akong ibibigay sa kaniya na kailangan ng kasagutan. Si Leones ay may bitbit na Canon XF405 dahil siya ang kukuha ng video interview ko. Ginagawa ko lang ito kapag nasa field. Field reporting kumbaga. Dahil hindi sapat sa 'kin ang nagsusulat lang ng notes. Iba pa rin kapag nagtatanong ako sa target person ko habang kinukuhanan ako ng video. Isa pa, patunay din ang pagkuha ng video na totoo ang binabalita o sinusulat ko online.

Bukod sa amin ni Leones, marami ring journalists ang nakaabang dito sa labas at kaniya-kaniya kami ng puwesto. Nasa unahan kami sa tapat ng city hall.

"Anong oras na?" tanong ko sa kaniya.

Tumingin siya sa relo niya. "Five minutes na lang parating na sila Mayor."

Tumango ako. Nire-ready ko na ang sarili ko. Ilang minuto pa kaming naghintay hanggang sa may dumating na itim na van at agad na dinagsa ng media. Nagkatinginan kami ni Leones at naglakad palapit kay Mayor Gloria Valiente. Mula sa puwesto ko ay kita ko ang matamis niyang ngiti habang humaharap sa 'min. Nakasuot siya ng orange t-shirt at pantalon. Kapansin-pansin ang mga alahas niya sa katawan.

"Ano po'ng masasabi ninyo na maraming partido ang nagnanais na mag-rally dito sa Quezon City?"

"Quezon City ang sentro ng BPO companies sa bansa. Ano po'ng masasabi ninyo sa mga plataporma ng mga pulitiko tungkol sa mga call center agents natin?"

"Sino po ang ie-endorse ninyong kandidato sa pagka-presidente?"

Sunud-sunod ang mga tanong sa babaeng pulitiko. Nakipag-siksikan kami ni Leones. Naka-ready na rin ang phone ko para mag-record ng audio. Nag-uumpisa na ring mag-video recording si Leones. Tumikhim ako.

"Mayor Valiente, dalawang dekada nang namumuno ang mga Valiente rito sa Quezon City. Tingin mo ba dahil ito sa pagtitiwala sa inyo ng mga tao o dahil sa political dynasty na umiiral dito sa lungsod?" tanong ko. Nilakasan ko ang boses ko.

Nights of DisquietNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ