Kabanata 19

34 3 1
                                    

Kabanata 19

Jess's POV

Huminga ako nang malalim pagkatapos kong basahin ang isang article sa diyaryo patungkol sa pagka-kakulong kay Leones. Nilapag ko sa gilid ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Seeing his face on the newspaper only meant that he chose to betray me. Kahit hindi na siguro bilang kaibigan. Kahit bilang katrabaho na lang. Bilang tao. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit niya ginawa sa 'kin 'yon. Hindi sapat ang mga narinig ko kay Moah.

Isang linggo na rin ang nakakalipas pagkatapos ng mga nangyari sa 'kin. Nandito ako ngayon sa kuwarto ko pero hindi ako nag-iisa rito sa bahay ko. Dahil sa loob ng isang linggo na 'yon ay inaalagaan ako ni Michell maliban sa pamilya ko. Pumupunta siya rito pagkatapos ng trabaho niya. Dito na rin siya natutulog. Sa sala siya natutulog. Sa sofa. Hindi ko na nga alam ang mararamdaman ko sa mga ginagawa niya. Damang-dama ko kasi na mahal niya 'ko. Hindi ko alam kung deserve pa ba niya 'ko pagkatapos ng mga nangyari.

Ang laki kasi nang ibinagsak ng katawan ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang wala na ako sa lugar na 'yon at buhay ngayon. Nasa baba si Michell at naghahanda nang kakainin namin. I took a deep breath and I closed my eyes. Kung tutuusin, hindi kami magkarelasyon pero grabe 'tong mga ginagawa niya sa 'kin. Na parang hindi niya muna iniisip kung may makukuha ba siya sa 'king kapalit dahil sa mga ginagawa niya. Pero sigurado ko na mahal niya talaga ako. Walang taong pupunta sa delikadong lugar na 'yon para iligtas ako kung hindi ako importante sa kaniya.

At importante na rin si Michell sa 'kin. Kailangan ko na ring pagtuunan nang pansin ang sarili ko. Ang laki nang nawala sa 'kin.

Niyakap ko ang sarili ko at dahan-dahan kong tinignan ang sarili ko sa tapat ng salamin. Huminga ulit ako nang malalim at masuyong sinuklay ang buhok ko.

Pinilit kong ngumiti pero pumatak lang ang isang luha ko. Ako pa ba 'yang nasa salamin?

Ang pangit ng buhok ko. Kitang-kita ko ang anit ko sa tuktok. May mahahabang hibla. May sobrang ikli. May dikit sa anit. Kagabi ko lang din nakayanang pagmasdan ang hubad kong katawan. May mga mumunti akong peklat dahil sa pagpaso sa 'kin ng sigarilyo. May kulay violet din akong marka sa bandang dibdib dahil sa sinturon. Pinipilit kong bumawi sa pagkain.

Sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwala na buhay pa 'ko. Hindi biro ang nangyari sa 'kin. Bukod sa pananakit at pambababoy sa 'kin ni Valiente, kitang-kita ko kung paano siya pumatay.

Si Alyssa.

Nabalitaan kong nakita ang bangkay niyang lumulutang sa Pasig River. Inilibing na siya sa Laguna. Gusto ko siyang bisitahin doon. Hindi pa rin ako makapaniwala na sinakripisyo niya ang buhay niya para sa 'kin. Hindi na mabubura sa isip ko kung pa'no siya pinatay ni Valiente. Hinding-hindi na.

Diring-diri akong isipin na nakita, nahawakan at higit pa doon ang ginawa nila sa amin ni Alyssa. Mga hayop sila. Mga demonyo sila lalo na si Valiente.

Hayop siya. Tama lang sa kaniya na nakakulong na siya ngayon.

Alam kong hindi muna dapat ako nagbabasa ng mga balita pero hindi ko mapigilan. Iniiwasan kong magbasa ng opinyon ng mga netizens online dahil alam kong hati ang opinyon nila at kahit hindi ko pa sinisilip, alam kong may mga natuwa pa sa sinapit ko.

That was how harsh netizens were. Salita pa lang nila, pakiramdam mo pinapatay ka na nila.

Marami akong gustong tanungin kay Michell pero hindi ko muna ginagawa. Isang linggo kong pinahinga ang utak ko at nagpa-pasalamat ako dahil nasa tabi ko siya. Pansin ko kung gaano kahaba ang pasensiya niya at maingat siya sa bawat galaw at haplos niya sa 'kin sa tuwing inaalagaan niya 'ko.

Pero ngayong sa tingin ko ay kaya ko nang kumilos, may gusto akong gawin. May gusto akong puntahan.

Si Leones. Gusto ko siyang makaharap.

Nights of DisquietWhere stories live. Discover now