Sa kasagsagan ng election campaign period, si Jess Hernandes, isang babaeng journalist, ay naatasang mag-cover ng balita sa lungsod ng Quezon City. Makakaharap niya si Manuel Valiente, ang isa sa mga tatakbong mayor at isa sa mga alleged suspects sa panggagahasa at pagkamatay ng isang college student na si Roxanne Dela Paz. Habang binabaybay ni Hernandes ang buong lungsod, unti-unti rin niyang mabubuksan ang nakabaong kasalanan ni Valiente. Sa pagtatangkang alamin ang mga impormasyon, makikilala niya rin si Alyssa, ang kaibigan ni Dela Paz, at isiniwalat sa kaniya ang buong detalye ng krimen. Hanggang sa matagpuan ni Hernandes ang kaniyang sarili sa kamay mismo ng lalaking pulitiko. Sa isang mapangahas na kuwento, iikot ang istorya sa ilan sa mga socio-political issues na nangyayari sa paligid lalo na ang kasalukuyang kinakaharap ng mga Filipino journalists sa bansa. Shortlist, The Wattys 2022
27 parts