Kabanata 14

36 4 1
                                    

Kabanata 14

Michell's POV

I stretched my arms after writing my third sports article today. I looked down my watch. Malapit na palang mag-gabi. Tumingin ako sa glass window nitong opisina namin. Ang bilis ng oras. Nang pumasok sa isip ko si Jess ay napabuntong-hininga ako. Hindi pa rin siya mahanap. Alalang-alala na 'ko. Minsan iniisip ko kung buhay pa ba siya? Pero hinihiling ko talaga na sana buhay siya. Hindi pa rin siya ma-trace ng mga authorities. Hindi na rin mapakali ang parents niya. Kahapon ay nakausap ko ang kuya niya. Si Timothy. Sobrang frustrated na ng kuya niya. Hindi nila alam kung saan nila hahanapin si Jess.

Parang naghalo raw siya na parang bula.

Naglabas na rin ng statement si Leones. He told what happened before he and Jess parted ways. Walang nakuhang CCTV video na pumunta si Jess sa bahay nila Leones. Ang sabi ng officials doon sa lugar nila Leones ay nakita raw nilang sira ang CCTV. They also asked Leones if Jess had told him anything that could be a potential answer as to why she suddenly disappeared but he answered none. Sinabi niya na naka-focus lang silang dalawa sa trabaho at totoo naman 'yon dahil palagi silang magkasama kaya mas naging close sila.

Pero hindi ko pa rin talaga makalimutan 'yong nakita kong picture ni Moah. Ang totoo niyan ay tinago ko ang picture. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon. Inuwi ko at tinago. Tinanggal ko ang salamin ko at bahagyang kinusot ang mga mata ko. Pagkatapos ay muli kong sinuot at tumayo. Didiretso ako sa comfort room.

Bahagya kong nginitian ang mga kapwa ko journalists na nakasalubong ko sa daan at lumiko na 'ko papunta sa men's comfort room. Pasimple kong binuksan ang pinto at humakbang papasok. Natigilan ako nang may marinig akong boses. Pamilyar.

Kumunot ang noo ko. Boses ni Leones. Tumingin ako sa kabuuan nitong banyo. May apat na cubicle. Tahimik kong ni-lock ang pinto at tahimik din akong pumasok sa loob nang nakabukas na cubicle. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa. Hindi ako gumagawa nang ingay. I knew that eavesdropping was bad but then my mind was telling me that I had to listen to Leones talking to someone over the phone.

Inayos ko ang salamin ko. Patuloy siya sa pagsasalita. "I honestly don't know how to trace a dummy account online. I'm a journalist, not a hacker online. That's out of my expertise."

Lumunok ako. Sino'ng kausap niya? Base sa boses niya, feeling ko ay nasa katapat ko siyang cubicle. Natigilan ako lalo nang marinig na nafu-frustrate siya.

"Listen. That's not my fault anymore. I already did my part, okay? Sinunod ko na ang mga utos mo. Lubayan mo na 'ko. Leave my woman alone."

I found myself grabbing my phone from my jeans pocket. I knew doing this was bad but I decided to record his voice. Sinasabi ng isip ko na kailangan ko 'tong gawin. Napalunok ako nang magmura siya. Ngayon ko lang siyang narinig na nagmumura at galit.

"I don't need the money. I'm earning just fine. Nagawa ko na ang pinapagawa mo. Leave her alone, okay? Nasa kamay mo na siya. Ano pa ba'ng kailangan mo sa 'kin? Ang sabi mo kapag nakuha mo na siya, titigilan mo na 'ko. Yes, I like what I did. I won't argue with that, but stop telling me that it is entirely my plan. P'wede ba tumigil ka na? I'm trying my best to lie in front of them! Yes, yes. Oo inaamin ko naman na ginusto ko pero gusto ko ring protektahan ang magiging asawa ko! Labas na 'ko r'yan sa plano mo. Ikaw na bahala sa kaniya. Basta 'wag mo kaming guguluhin. Ako mismo magla-laglag sa 'yo."

Tumahimik ang paligid. Bumaba ang tingin ko sa phone ko at agad kong tinapos ang pagre-record. Narinig kong bumukas ang cubicle niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Parang natatakot ako na baka mahuli niya 'ko rito ngayon.

Narinig kong binuksan niya ang faucet sa sink. Ilang minuto 'yon hanggang sa narinig ko ang mga hakbang niya at bumukas ang pinto. Nang masara 'yon ay tahimik na. Doon lang ako nakahinga nang maayos. Ilang minuto muna akong nandito sa loob ng cubicle.

Nights of DisquietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon