Kabanata 6

44 7 0
                                    

Kabanata 6

Jess's POV

Pagkatapos kong maghilamos ay tumingin ako sa salamin at huminga nang malalim. Nandito ako ngayon sa comfort room sa office. Iniisip ko ang nakabulagtang mga lata ng beer sa labas ng bahay ko kagabi. My fists clenched in annoyance. Hindi ako takot. Kung may isang emosyon man akong nararamdaman, 'yon ay ang pagkainis. Ano'ng akala ng pulitiko na 'yon? Na matatakot niya 'ko sa mga threats niya?

Nilagay ko sa garden ang mga lata at binabalak kong gawing paso kapag nakabili ako ng mga seeds. Hindi niya 'ko masisindak. Naiirita lang akong isipin na pinapamukha niya sa 'kin na siya talaga ang suspek sa pagkamatay ni Roxanne. Kung ibigay ko kaya ang mga lata ng beer sa authorities? Malamang pagtatawanan nila ako at sasabihing nahihibang lang ako. Kung magsusulat naman ako ng article patungkol doon, baka sabihin ng mga netizens na nababaliw na 'ko at nag-iimbento lang ng kuwento. Hindi pa sapat ang mga ebidensiyang hawak ko.

Ang e-mail at ang mga lata ng beer.

Kailangan may gawin ako para mapiga ko si Valiente. Tinignan ko ulit ang mukha ko sa salamin. Kitang-kita ang eyebags ko dahil sa ilang gabing pagpupuyat. Binuksan ko ulit ang faucet at muling naghilamos. Ang sarap ng malamig na tubig sa mukha. Biglang bumukas ang pinto at napadilat ako. Nagkasalubong ang mga mata namin ni Ms. Tuazon.

Ngumiti siya at naglakad palapit sa 'kin. Nasa kaliwa ko siya. May bitbit siyang black pouch at kinuha niya roon ang isang lipstick. Nag-umpisa siyang maglagay habang nakaharap sa salamin.

"How's your news coverage in Quezon City?" tanong niya.

"Okay naman. Walang pagbabago. Paulit-ulit lang."

Natawa siya. "More than 20 years na 'ko as a journalist, Jess. Marami na 'kong nadaanang administrasyon pero ngayon ko lang nakikita at nararamdaman na nasa panganib tayong mga journalists dito."

"What's the worst death threat you've ever received?" tanong ko naman. Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa salamin.

"A photo of me with bullet holes all over my face. I received it after writing the rape slay case of Dela Paz in 2002. It came from Manuel Valiente. I was so sure of it. Siya lang naman ang mananakot sa 'kin that time. Well, buhay pa rin naman ako ngayon."

"Ano'ng naramdaman mo no'ng nakita mo 'yong picture na 'yon?"

"S'yempre takot ako. Hindi naman mawawala 'yon, e. Sino ba namang gugustuhing mamatay dahil lang sa ginagawa niya ang trabaho niya, 'di ba? Pero sanay na 'ko. Mamamatay akong malinis ang konsensiya balang-araw."

I laughed. "I received two empty cans of beer last night. Malakas ang kutob ko na galing kay Valiente."

Tinitigan niya 'ko. "Alam ko na kung bakit. Dahil tinanong mo ang asawa niya tungkol sa rape slay case no'ng nakaraang nag-cover ka ng balita sa city hall."

Tumango ako. Nagpatuloy siya. "Don't get tired of siding with the truth, Jess. Alam kong marami kang natatanggap na death threats online. Pero habang lalo kang naninindigan sa tama, triple pa ang matatanggap mo. We're exposing corrupt politicians because it is part of our job and it is also our obligation to the Filipinos who need to know the truth. Kahit mahirap dahil marami sa kanilang hindi na naniniwala sa 'tin, kailangan pa rin nating magpatuloy."

Hindi ako nakapagsalita. She gently tapped my shoulder. "You're a very, very good journalist, Jess. We need new breeds of journalists like you. Alam ko balang-araw, maniniwala rin sila sa 'tin."

I inhaled deeply. Nginitian ko siya. Lalo akong nagkaroon nang lakas ng loob na isulat ang tama.

*****

Nights of DisquietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon