Wakas

62 5 2
                                    

Wakas

Jess's POV

And then everything went back to normal.

Walong buwan na ang nakalipas at bumalik ulit ako sa trabaho ko. I stayed working for The Manila Today. Aside sa pagiging isang journalist, ay associate editor na rin ako. I can say that I was moving forward from what happened. Masaya rin ako dahil bumalik na sa dati ang hitsura ko. Hindi naman naging madali ang proseso. Hindi naman kasi maaalis sa isip ko ang mga sinapit ko.

Pero kung may hindi man nawala sa akin, that was my bravery. Ang katapangan ko. Masasabi kong natupad ko na ang pangarap ko bilang isang journalist. Nakakulong na talaga si Valiente at pakiramdam ko nabigyan na ng hustisya sila Roxanne at Alyssa.

He was jailed in New Bilibid Prison. Nakakapagtaka man na mabilis ang hatol sa kaniya, mas nakakapagtaka na kusa siyang umamin sa mga ginawa niya.

Patong-patong na kaso ng rape, murder at homicide ang ipinataw sa kaniya. Reclusion perpetua ang penalty niya sa bawat isa. Hindi na siya pup'wedeng tumakbo o manungkulan sa pulitika at doon na siya sa kulungan tatanda at mamamatay.

Ilang beses ko na ring binisita si Alyssa. Nakakatuwa na maraming netizens online ang nagbibigay ng mga bulaklak sa kaniya. Sa tuwing bibisita ako, sobrang daming bulaklak sa paligid niya.

Nandito ako ngayon sa building ng isang studio kung saan ay pumayag akong magpa-interview tungkol sa nangyari sa 'kin. Kaya ko naman nang ikuwento. Naalala ko noong nanonood ako ng mga documentary ng mga journalists noon na dinakip, ginahasa at nakatakas. Hindi ako makapaniwala na ikukuwento ko ang naging karanasan ko katulad nang sinapit nila.

Sinilip ko ang parking lot mula rito sa loob. Malawak ito at medyo madilim. Parang wala ngang katao-tao. Tama lang ang liwanag ng ilaw. I saw the guard outside. Lumabas na 'ko at tinanguan ko siya.

Hindi naman live ang interview. Kumbaga, tape na itong ipapalabas. Pumayag ako sa kadahilanang gusto kong magsalita para ipaunawa sa mga tao ang side naming mga journalists. Ako lang mag-isa ang pumunta. Hindi na ako nagpahatid kay Michell.

Normal na talaga ang takbo ng buhay ko ngayon. Hindi naman na ako nakakaramdam nang takot sa paligid ko. Nakangiti akong naglakad papasok ng studio.

*****

Jess's POV

Itinaas ng clapper loader ang hawak niyang clapperboard at nag-umpisa nang mag-roll ang camera. Exclusive interview ko ito sa programang Philippine Night News.

"Magandang gabi, Jess Hernandes. Unang-una maraming salamat sa pagpayag mong makapanayam ng aming programa."

I smiled at the female broadcast journalist. "Walang anuman, Ciara," sagot ko habang nakangiti.

"Kumusta ka?"

"Masasabi kong nasa maayos na 'kong kalagayan. Walong buwan na rin ang nakalipas pagkatapos nang nangyari. Handa na akong ikuwento ang mga sinapit ko."

Ciara looked at me intently. Kita ko sa mga mata niya ang simpatiya. Nagkaka-intindihan kami. Pareho kaming mga babae na nasa larangan ng media.

"Handa kaming makinig sa ikukuwento mo."

"Nagsimula ang lahat nang mag-cover ako ng political news sa Quezon City. Nakaharap ko ang mag-asawang Valiente. I bravely asked them questions separately. Ilang death threats ang natanggap ko. Sunod-sunod na text messages galing sa mga hindi kilalang number. Hanggang sa in-interview ko si Valiente sa Facebook live then I found myself inside a white van. His men abducted me and Alyssa, Roxanne's friend. Unang gabi pa lang, nakatikim na ako nang pananakit."

Nights of DisquietHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin