Chapter 43 [Special Chapter 2] - Sweet Revenge

En başından başla
                                    

Maya maya pa'y nakarinig na ako ng tunog ng sasakyan. Senyales na nandyan na sila at lulan si Alwyna. Hindi naman ako binigo ng mga tauhan ko dahil kasama nilang dumating ang walang malay na si Alwyna.

" Heto na yung pinag-uutos niyo! Kukunin na namin ang bayad! " Sabi ng isa sa mga tauhan ko. Kinuha ko agad ang sobre na may lamang pera sa likod ng bulsa ng pantalon at ipinakita ko ito sa kanila.

" Pero bago ko ito ibigay sa inyo, itali niyo muna yang si Alwyna sa isang bangko at siguraduhin niyo na hinding hindi siya makakatakas! " Sigaw ko sa kanila.

" Yes, Boss! " Sigaw nila at nag-umpisa ng kumilos. Lalong nagmarka sa mukha ko ang galit at poot na tinago ko ng pagkatagal tagal! Sisiguraduhin ko na hinding hindi na makakauwi ng buhay si Alwyna or sabihin na nating. . . 

uuwi siya ng wala nang dangal!

Pagkatapos itali ng mga tauhan ko si Alwyna ay binigay ko agad ang bayad sa kanila at saka umalis.

" Ipinapangako ko, Mama at Papa, ngayong gabi na ito, makakaganti na ako sa kanila at alam kong masisiyahan kayo sa palabas na gagawin ko. "

Nilapitan ko si Alwyna na walang malay at tinitigan ang kanyang mukha.

" Pasensya ka na kung madudungisan na ang maamo mong mukha. Kung di dahil dyan sa katusuhan ng ama mo, hindi ko magagawa ang lahat ng ito. " Hinaplos ko ang mukha. Alam ko ito na ang huling beses na makikita ko ang mukhang ito.

******** 

- Alwyna's POV -

Pakiramdam ko, may humahaplos sa mukha ko. Kung sino man ang may gawa nito, makakatikim ng isang malutong na sampal pero bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko. Bakit ayaw sumunod ng mga kamay ko? Pati ang mga paa ko ayaw na sumunod! Pakiramdam ko nakagapos ang mga kamay at paa ko sa kung saan!

Agad kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang isang taong napakamahalaga sa akin, si Gelo.

" Gelo! Tulungan mo naman ako dito! Iginapos ako ng mga kumidnap sa akin! Sige na, please! Ang sakit sakit na ng katawan ko. " Pagmamakaawa ko sa kanya. Patuloy lang ako sa pagpupumiglas pero sadyang napakasikip ng pagkakatali nila sa akin at ang aking mga kamay, malapit ng dumugo dahil sa pagkakabakat ng tali dito.

" AYOKO! Bagay lang sa'yo yan! " Pasigaw niyang sinabi sa akin. Halos mabingi ako sa sinabi niya at ang mukha niya, . . Galit na galit na anytime makakapatay siya ng tao.

" A-ano?! Ano bang sinasabi mo?! Pakawalan mo na ako dito! At bakit ka nga pala nandito?? Di ba tinext kita na umuna ka na na umuwi sa mansyon?? " Naguguluhan kong tanong sa kanya. Puzzled na ang utak ko sa dami ng iniisip!

" Hahahaha! Kanina pa ako nasa harapan mo, ngayon mo lang tinanong yan! Gusto mo malaman bakit ako nandito? Simple lang! Revenge! A SWEET REVENGE! " Pasigaw pa din siyang sumagot sa tanong ko. Nagsalubong na ang mga kilay ko. Gulong gulo na talaga ako!

" R-revenge?? Bakit ka naman maghihiganti? May kasalanan ba ako sayo kaya ginagawa mo ang lahat ng ito ngayon! Aah! " Sumigaw na rin ako. Napakasakit na ng buong katawan ko kakapumiglas ko. Masyado talagang hinigpitan ang pagkakatali!

" Sa iyo, WALA! Pero sa mga magulang mo meron!! "

" Magulang ko?? Anong pinagsasabi mo!! " Sumuko na ako sa pagpupumiglas! Hindi ko na talaga kaya ang sakit na nararamdaman ko.

" Huwag na kasi magpumiglas! Hindi ka naman makakawala dyan!! Nagagawa mo pa ipagtanggol yang mga magulang mo!! Sila lang naman ang pumatay sa mga magulang ko!! " Lalong nagalit si Gelo. Hindi ko talaga maintindihan ang mga pinagsasabi niya pero ang laitin ang mga magulang ko ng walang pakundangan, yan ang hindi ko matatanggap!

Thanks For The Memories (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin