Tumawa naman ito.

"So, anong gagawin natin sa mga gagueng iyan?"

"Hayaan mo na sila. Uuwi din yan kapag nagising... kung magigising pa."

Sinapak ko sya sa braso. "HOY!!"

"Joke lang! Di ka na mabiro eh. Unuwi ka na, malapit ng mag-alas kwatro ng hapon."

Tumayo ako, hindi para umuwi kundi para gawin na ang dapat gawin. At iyon ang paglilinis.

Pinulot ko isa-isa ang mga nagkalat na bola dahil sa mga gagueng iyon. Pagkatapos ay nilagay ko ang mga bola sa malaking basket na lalagyan ng mga ito.

"Anong ginagawa mo?"

"Naglilinis malamang. Alangan namang kumakain ako, diba?"

"Ang kulit mo din noh? Ganito siguro ang nararamdaman ni Glen sa tuwing nagmamatigas ka na kulitin sya."

Tumingin ako sa kanya ng seryoso.

"Anong pakiramdam?"

Gusto kong malaman kung ano bang pakiramdam nang kinukulit. Hindi ko pa kasi naranasan iyon eh.

"Gusto mo talagang malaman?"

I nodded.

"Promise muna na h'wag kang magagalit o malulungkot."

"Hindi ko maipapangako."

"Naman eh—"

"Sabihin mo na, bwesit ka!"

"Nagmamadali? Nagmamadali?"

Umakto akong ihahagis sa kanya ang bola kaya mabilis syang umilag.

"OO NA! Nakakasakal, iyon ang pakiramdam. Yung kakulitan mo nakakasakal sya. Para bang anytime ay mabibigla na nasa tabi ka na nya, kung sino man ang kinukulit mo. Para bang palagi kang nakatingin o di kaya ay nagmamasid. Tapos yung pagiging makulit mo, hindi nakakatuwa kundi nakakainis. Tapos ang daldal mo pa at parang hindi babae kung umasta. And last but not the least, pinagsisiksikan mo ang sarili mo sa isang tao na hindi dapat gawain ng isang babae. Gano'n ang nararamdaman ni Glen. Naiintindihan mo na ba?"

Hindi ako nakapagsalita.

Nakakasakal?

Gano'n ba talaga ang nararamdaman nya sa tuwing lumalapit ako at kinukulit sya?

"Gano'n ba?" Ngumiti ako. "Sige! Kailangan ko pang tapusin ang punishment ko bago umuwi. Ikaw, umuwi ka na baka may gagawin ka pa."

"Gano'n lang? Gano'n lang yun?"

"Ano bang gusto mong gawin ko? Umiyak?"

Hindi sya nakapagsalita.

"Sige na! Umalis ka na. May gagawin pa'ko. Salamat sa pagtulong sa akin kanina."

Nngumiti ako bago muling binalik ang atensyon sa ginagawa. Hinayaan ko na lang syang nakatayo doon at tinapos ko na ang paglalagay ng mga bola sa lalagyan.

Pagkatapos ay kumuha ako ng walis tambo at dustpan parra magwalis.

Nilibot ko ang buong paningin sa loob ng gym. Medyo malaki-laki rin ang lilinisin ko kaya dapat ko nang bilisan.

Ibinaba ko muna ang aking bag sa kabilang gilid para makapaglinis ako ng maayos. Kung may spare pants lang ako ay kanina ko pa hinubad ang suot kong skirt na nakakainis dahil sobrang ikli. Buti na lang hindi fitted kaya naman nakakagalaw pa rin ako ng maayos.

Magsisimula na sana akong magwalis nang may umagaw sa akin nun.

"HOY! Josh ano ba?!"

"Ang kulit mo talaga no? Sinabi nang umuwi ka na para makapagpahinga. Nanghihina ka pa diba? Umuwi ka na, ako na ang gagawa nito."

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now