Napanganga ako sa narinig.

W-What the hell? Nudes talaga? For goodness sake! Highschool pa lang kami tapos may kachat syang gano'ng babae?!

Parang gusto kong manapak ngayon?! Si Josh kaya, sampolan ko ng isa?!

Nagtangis ang bagang ko at nanlilisik na binalingan si Josh. Mukhang nagulat naman ito at mabilis na lumayo sa akin.

"Buti nga sa kanya! Makikipag chat na nga lang, hindi pa sa akin."

"Ohh... kalma lang Erish! Hindi talaga ako ang nagbigay doon sa babae ng account ni Glen. Akala ko lang talaga ay nakikipag friend lang 'yun eh."

"Edi umamin ka rin. Dinadamay nyo pa sa pagiging manyak ang Hubby ko. Bwesit talaga kayo ni Zander."

"Teka naman... Goodboy kaya ako. H'wag mo akong itulad kay Zan."

"CHEEE! As if! HMP! D'yan ka na nga."

Padabog na nilampasan ko sya saka lumabas ng room.

"Nakakainis! HMP!"

Nakasimangot na pumasok ako sa cafeteria. Agad ko namang natanaw si Ella dahil kitang kita mula dito sa pinto ang usual spot naming dalawa.

"MARGAUX!!! HERE!"

Sigaw nito. Kumaway pa sya sa akin. Akala mo naman wala akong mata para hindi sya makita.

Iilan pa lang ang mga students na naririto sa cafeteria. Malamang ang iba ay mamaya-maya pa magsisidatingan. Maaga pa naman kasi. 11:20 lang. 11:30 ang simula ng lunch break hanggang 1:00 pm.

"Ohhh? Anyare sa mukha mo? Para kang pinagbagsakan ng langit at empyerno."

Sumalapak ako ng upo saka sumubsob sa mesa.

"Eh kasi naman. Si Glen may kachat daw na babae tapos nagsend yung babae ng nudes sa kanya. Nahuli ni Tita kaya grounded."

"Ohh, eh anong pinuputok ng butchi mo d'yan? Yung grounded si Glen o yung may ka chat syang ibang babae? As if naman kasi na ikaw ang kachat nya noh?!"

"Hindi naman kasi iyon ehhhhh!" pagmamaktol ko na parang batang inagawan ng candy.

Lollipop ang inagaw sa'kin, hindi candy!!

"Eh ano pala?"

"Dapat ako lang ang magsisend sa kanya ng sexy pictures ko at hindi ang ibang babae. WALA SILANG RESPETO SA AKIN. HUBBY KO YUN EHHHH!!!"

"Seriously, Margaux? Sexy pictures talaga? Ano ka pokpok?"

"Bakit ba?! Atleast sa iisang lalaki lang. Hindi katulad ng iba na kung SINU-SINO ANG KINAKALANTARI." Diniinan ko talaga ang huli kong sinabi bago sumulyap sa isang grupo ng kababaihan sa hindi kalayuan sa table namin.

Buti na lamang at busy ang mga ito sa pakikipagtawanan sa Section C, kaya hindi narinig ng mga ito ang sinabi ko. Dahil kung oo, makakatikim na naman ako ng pang bubully nito.

Grupo nina Brenda ang tinutukoy ko. 4th years Section B sila. Hindi ko nga alam kung bakit ang dami na nyang naging boyfriend samantalang mukha naman syang clown. Mga babaeng puno ng make-up ang mukha na ba ang type ng mga lalaki ngayon? Tapos yung tipong kita na maging ang kaluluwa sa suot na short shorts at blouse na kinulang sa tela?

Sabagay, ika nga nila 'Daig ng malandi ang maganda'. No doubt! Sa ugaling meron sya, hindi na iyon imposible. Sya na rin kasi ang lumalapit sa lalaki para makipag ANOOO.

Kailangan ko na rin bang gawin ang ginagawa nya? Baka sakaling mapansin na rin ako ni Glen.

Pero, no! VERY WRONG!

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Where stories live. Discover now