Kahit naguguluhan ay hinanap ko pa rin ang pangalan ko sa listahan.

Santanilla....

Santanilla, Margaux Erish.... AYOOONNNN!

"FOUND IT!" Bulalas ko.

Nasa pang number 5 lang naman iyon at... at... W-WHAT??? NUMBER 5???

Binalikan ko ulit ang list dahil baka pinaglalaruan lang ako ng aking mga mata, pero ilang beses ko na kinisot iyon at gano'n pa rin ang nakikita ko.

Nakasulat sa number five ang pangalan ko...

...at isa lang ang ibig sabihin niyon.

"OMGGGGG! BESPREN NAPASA KO ANG EXAM. NASA TOP 5 AKKOOO. KYAAHHHH! AT MAY CHANCE NA MAPASAMA AKO SA MGA ILILIPAT NG SECTION. KYYAAAHHHH!"

Nagsisisigaw ako sa tuwa. Nayakap ko pa nga si Ella tapos sabay kaming nagtatalon habang magkaharap sa isa't isa. Kung may makakakita lamang samin ngayon, mapagkakamalan kaming mga baliw.

Baliw naman talaga ako...

...sa KANYA! Char!

Sobra sobrang kagalakan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Told you!!! Congratulations besprennnnnn!"

"Salamat bespren!!!"

"Okay na ako rito sa Gold Section. Sabi nga nila, STAY GOLD~~ BWAHAHAHAHAHAHA!"

Natawa ako dahil kinanta pa talaga nya 'yung song ng Bangtan.

"Sira ka talaga."

"Pero... Baka naman kapag nandoon ka na malimutan mo na ako dahil magkakaroon ka na ng new friends." May bahid ng pagtatampo sa boses nya.

Ngumiti ako bago ko sya inakbayan.

"Alam mo... Ikaw lang ang nag-iisang bespren ko. Mas gusto ko pa ng babasaging gamit kaysa sa mga plastic noh?!"

Pinalo nya ako sa braso bago magtakip ng dalawang palad sa mukha.

"Enebeee! Ekem eh. Penepekeleg me eke bespren. Ehe!"

"WALANGHIYA KA! Pabebe pa! Kapapanood mo yan kay Yaya Dub."

Pareho kaming napatingin ni Ella sa mga kaklase naming nagsipasukan sa loob ng room. Kasunod nila ang adviser ng Star Section na si Mrs. Climente.

"Good morning Class B!"

"Good morning Mrs. Climente!"

"Alam naman na siguro ninyo kung bakit ako naririto, diba?"

"Yes po!"

"Kung gano'on ay nakita na rin ninyo ang result ng exam last year."

"Yes po!"

"Hindi ko na patatagalin pa dahil ngayong araw din lilipat ng Star Section ang mga napili ng Principal, pati na rin ng Third year Advicers. So, handa na ba kayo?"

"YES MRS. CLIMENTE!"

"Tatlo ang napili para lumipat ng Star Section. Ang tatlong ito ay napabilang sa Top 10 Qualifiers. Apat pa rin ang nanatili sa kanilang section which is Star Section at spot sa Top 10. Ang tatlo ay mula sa Class C at ang tatlo ay nagmula rito sa klase ninyo."

Lahat kasi ng mga students na napapasama sa Top ay nabibigyan ng oppurtunity na mapabilang sa Class A at iyon nga ay ang Star Section, lalo na kung galing ka sa dalawang Section which is Class B at Class C.

The Lovestory That We Never Had | COMPLETED | ✔︎Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum