CHAPTER 27: Day-Off

Start bij het begin
                                    

Sofia: Like pano ‘yung gusto niyang timpla sa coffee or fave drinks niya, ‘yung pagkagising, ano ‘yung dapat meron sa bedside table niya, sa bathroom… Ano ‘yung paborito niyang brand of products… Mga ganon ba… Tapos ‘pag hindi daw nasunod, super galit daw…

Kathryn: T-Talaga?...

Sofia: Yup…

Napakunot siya. Naisip niya ‘yung mga panahong pinagtitimpla niya ito ng kape at ‘yung mga brand of products na ginagamit nito sa katawan. Wala namang significant sa mga ‘yon. But then again, the prince was also trained to live a simple life… But at the same time, naalala niya ang pagiging magastos ng kaibigan… Like he didn’t value his money at all… na ang akala naman niya ay pinaghirapan nito mula sa pangangaso…

Kathryn: Mainitin din ang ulo?

Sofia: Common knowledge na rin ‘yun eh… Balita pa nga ‘yun sa ibang bansa nung minsang may modelling stint siya… Hindi daw Evian water ang binigay sa kanya, binuhos daw mismo 'yung tubig sa mukha ng P.A. niya…

Kathryn: Evian water?

Sofia: Oo, mahal 'yung tubig na ‘yon. Expensive ang one bottle…

So, contrasting pala talaga si DJ at si Daniel. And she sure knows na ang totoong ugali pala ng kaibigan ay kung ano ang prinsipe ngayon…

Muli niyang ibinalik ang tingin dito. Nasa tabi na nito si Lavinia na napakaliit ng suot na two-piece black swimsuit. Paminsan-minsan ay tinatapik nito ang braso ni DJ na kunyari’y natatawa sa mga sinasabi ng huli. This is so not her day. Ano ba ang dapat niyang gawin para mapalapit muli sa kaibigan?

This is not what she expects. Dapat marunong din siyang makipagsabayan. Pero hindi naman niya likas na ugali ‘yon. Hindi siya sanay na nakikiagaw ng atensyon dahil eversince naman ay sa kanya lang parati nakatingin si DJ. He’s the one making the initiative and always spoiling her…

Jerome: Well, hello ladies…

Sabay silang napasulyap ni Sofia sa pinagmulan ng boses. Standing beside her is a gorgeous-looking guy…

Kathryn: H-Hi…

She tries to give a polite smile.

Sofia: Hi!

Jerome: Wait, let me guess… You’re Kathryn and Sofia, right?

Sabay silang tumango.

Jerome: Your names are all over the news. And it’s not that hard to forget especially for pretty ladies like you…

Narinig niya ang pinipigilang kilig ng katabi. But for some reasons, napansin niyang sa kanya lang nakatingin ito…

Jerome: By the way, I’m Jerome, a friend of Daniel…

Kathryn: Hello, Jerome…

Wala siyang narinig na response mula kay Sofia.

Jerome: Uhm… Kathryn, can I get you a drink? A glass of white wine, perhaps?

Sa kanya lang ito nakatitig. Umiwas siya ng tingin at nilingon ang katabi na tila natutulala na nakatingin dito.

Kathryn: Sure, thanks…

Jerome: How ‘bout you Sofia?

Kinailangan pa niya itong sikuin para lang sumagot.

A Fairytale's MishapWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu