Chapter 39

103 5 0
                                    

"Tigilan mo'ko Ayla, ah! Kanina kapa,'"


Naiinis akong nagbihis habang panay naman ang pang-aasar ni Ayla saakin. She just laughed at me earlier and didnt bother to help me out of that scene!


"So, Did his body turn you on?"


"Ikaw ah! Isang salita mo pa ngayon at tatahiin ko yang bibig mo," pagbabanta ko ulit.


Napairap ako ng malakas siyang tumawa habang nakahawak pa sa tiyan. Magkasama kami sa kwarto ngayon habang naka single room naman si Nurse Jane. Sina Dr. Josh at siya, Ewan ko, Wala akong paki-alam.


May kumatok sa pinto namin at binuksan ko yun. It was nurse Jane.


"Doc, Kayo nalang po yung hinihintay sa dining hall, Dinner na po." sabi niya saakin.


Nagmadali naman kaming tatlo at pumunta na sa dining hall. Maraming pagkain ang inihanda saamin. Total, Sagot ng laurel lahat ng expenses namin dito kaya wala kaming problema.


"Doctora! Ba't hindi kapo naligo kanina?" biglang tanong ni Angela.


Kanina ko lang nalaman na anak pala siya ng head ng resort. Kaya sabay siyang kumakain saamin ngayon.


Napapahiya naman akong tumawa. Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi ako kayang marunong lumangoy. Nakakahiya yun.


"Mainit," tanging sagot ko.


Magkatabi kami ni Ayla at Nurse Jane, Habang magkatabi naman sina Josh at Levi. Yun nga lang, After nilang magpaligsahan kanina ay hindi ko na sila nakitang nag-usap. May communication problem ba sila? O tinupak lang talaga? Ewan ko, Hindi ko maintindihan ang pagkatao nila.


Nagulat nalang ako ng biglang iabot ni Leviste ang isang plato ng eggroll sa direksyon ko sa kalagitnaan ng pagkain namin. Nagkatinginan pa kami ni Ayla bago siya tumawa ng patago. Nakakahiya na!


"Dr. Ethan, Pwedeng magtanong?" Angela said boldly.


Tumango naman ng bahagya si Leviste. "Yeah,"


"Ilan taon na po kayung doctor?" she asked. Napasilip tuloy ako sa kanya, Curious din ako.


"Six years and 6 months," Deretsong sagot niya kay Angela.



Its been six years and six months since we broke up.



"How about you Dr. Josh?" tiningnan niya din si Dr. Josh.



Josh made sure to clear his mouth before talking. "10 years and counting," he sounded competitive.


After nun ay hindi na ulit sila nagsalita. Una akong natapos sa pagkain kaya tumayo na ako at pumunta sa balcony, Masyadong maganda ang buwan ngayong gabi. 


"You really had a bad appetite, Aren't you?"


I saw Dr. Josh approaching me, Tumabi siya saakin pero may distansya ng kunti.


"I just don't eat a lot on dinner," sabi ko.


"I'm sorry, For earlier,"



Kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya. Hinawi ko pa ang buhok ko dahil sa lakas ng hangin.



"For what?" Nagtatakang tanong ko.



"For making you uncomfortable," deretso niyang sagot.



Napatawa naman ako. "I cause an accident and made your clothes dirty, I should be the one to say sorry." 


"We're quits,'" sabi niya.


"Pahinga Muna, Pahinga Ko."  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon