Chapter 38

125 6 1
                                    

"You slept with him!?"



"Fuck you, Yeji." I hissed.



Its already 7 when I got home from laguna. Leviste and I decided to travel early since may duty pa kaming dalawa ngayong araw. And apparently, Ayla told Yeji that I am with him the whole night.



"Marunong kanang mag mura ngayon, ah, Iba talaga yung epekto ng ex mo no?" pang-aasar niya ulit.



"Hindi kaba talaga titigil?" Banta ko sa kanya.



Nagpigil naman siya ng tawa. "Are distracted by him?"



"Hindi." tipid kung sabi.



Pasalamat talaga siya at hindi ko alam kung sino mang naging ex niya. Kapag nalaman ko talaga aasarin ko siya hanggang tumanda siya at kumulubot na ang balat.



"Dimo sure yan," sabi niya.



Napahilamos ako ng mukha at pilit na pina pakalma ang sarili.



"Alam mo, Ihatid mo nalang kaya sa school yang anak mo," naiinis kung sabi.



"Well, Sino ba naman ang hindi ma di-distract sa mukhang yun. God molded him perfectly, Diba?"



"Oo pero sa–––" napasabunot ako sa sarili ko ng marinig ang sarili kung sinabi. Doon siya napatigil at ilang segundo lang ay tumawa na ito ng malakas. Hindi niya man lang pinapansin ang presensya nang anak niyang naghihintay sa kanya.



"Oo pala, ah," Yeji said with her teasing smile.



"Titigil ka o iuuntog ko'to sayo,'" galit kung ani at itinuro ang vase na kalapit lang saakin.



Mabilis naman siyang tumayo at hinila si Reji, kumaway pa siya saakin habang may nakakalukong tingin bago ito lumabas ng bahay. Hindi tuloy nakapag paalam saakin si Yeji. Medyo walang hiyang Ina din tong kaibigan ko.



Ilang minuto lang din ay naisipan ko nang pumasok sa Laurel. Pareho ni Yeji ay nakakaloko din ang tingin saakin ni Ayla. Buti nalang at hindi siya malutong mang asar tulad ni Atty, She was just a silent teaser.



"What!?" kunot noo kung sigaw.



"Gulat yarn?" Natatawang ani ni Ayla habang nilalaro ang stethoscope niya.



"Bakit ako kasama?"



"Dahil doctor ka?" Patanong niyang sagot.



"Hindi mo naiintindihan–––"



"Naiintindihan ko Luca. Naiintindihan ko ng sobra. Hindi ang workgroup ang kinaiinisan mo, Kundi ang makakasama natin hindi ba?" putol niya saakin.



It's been years, I lost my count since yung last time na sumali ako sa workgroup na aalis sa Laurel to give service to the chosen district. Ayos lang sana kung isang araw lang, Pero bakit dalawa!? Anong trip ni Mr. Laurel at ginawa niyang dalawa!?



"Hindi yun, Yung araw–––"



"Kahit kailan talaga Luca, Hindi mo kayang magsinungaling. It's okay, tanggap kita." pinutol niya ulit ako kaya mas napasabunot ako sa sarili.



Naiinis na talaga ako! Bakit!? Sa dinami dami ng tao dito bakit siya yung makakasama ko!?



Our team consist 5 doctors and 1 nurse. It would be me, Ayla, Leviste, Dr. Josh and Nurse Jane. We are on the same team with the same target district. Nakakapagtaka, Sa lahat ng pwede kung makasama ay bakit siya pa!? Nakakainis. Gusto kung magsabi ng maraming masasamang words.



"Pahinga Muna, Pahinga Ko."  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon