Chapter 15

141 11 3
                                    


"You wanna sleep early?"




Napatingin ako sa kanya ng tanungin niya ko. Kakatapos lang naming mag dinner at ako nadin ang nag hugas, syempre I insist. Ako padin naman ang babae. Nakatayo lamang siyang nakatingin saakin habang isinasandal ang likod sa pader. Looking hot.



"Yeah, After I take a bath." sagot ko.



Pagod nadin ang katawan ko, Hindi pa ako nakakapag shower simula ng hilahin niya ako kanina sa pool. Tumatawa pa siya saakin dahil panay ang kapit ko sa kanya. Dinala niya ako sa gitna ng pool at alam kung hindi na abot yun ng paa ko. Ginaganahan pa eh. Tch.



"I will be sleeping on the other room, You can knock everytime if you want something." sabi niya at tumango naman ako.



He never asked me to share room with him, Kahit nung nasa bahay niya ako. Pinagamit niya saakin ang room niya habang sa guest room naman siya natulog.



Ilang minuto din ay umakyat na'ko sa taas at naligo. Naghanap ako ng pajama sa mga binili niyang damit pero wala akong nakita. Halos shorts, dress and tops ang nakikita ko. Pinili kung suotin ang short na hipit sa balakang ko dahil ito lang din naman ang komportable ako.



Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan lahat ng pictures. Ngayon a mas klaro na ang mga magagandang kuha niya saakin. I look stunning.
Pinost ko sa twitter ang limang picture kung saan nakatayo ako at nasa likod ko naman ang dagat at yung picture na naka upo ako sa gilid ng pool kung saan dumapa pa si Leviste para makuhanan ng magandang angle.



-The Paradise of Calmess. @L
#Paradis



Yun ang caption ko. Nagulat naman ako ng sunod sunod na tumaas ang heart reacts sa post ko, Sunod sunod din ang comments dito. I had plenty of followers, siguro ay dahil nadin sa doctor ako. May show nadin akong napuntahan na ipinalabas sa TV kaya mas lalong dumami ang followers ko. This is my Fifth post for this year, Hindi ako masyadong showy sa social media. Just for entertainment.



Maya-maya pa ay nakita kung nag comment si Xyra sa post ko.



Xyrangel: Angas ng bikini, Kinabugan na'ko. @Yeji.



Cendrix: Pak! May nanalo na. Apir jan manang luca.



Agad namang nagreply si Yeji.



YejiV: I really have a good taste.



Napailing naman ako nang mag comment si Ayla.



Dr.Ayla: Galing. Ang sabi sakin ay na assign ka sa workgroup. Nag bakasyon pala. Yung pasyente mo dito, Anong gusto mong gawin ko?
A. Paalisin
B. Papatayin
C. Isasako



Agad naman akong napahagikhik ng mabasa yun. Kahit papano ay hindi na ganoon kalala ang mga comments nila. Oo, mas may malala pajan. Ganun nila ako kamahal. Parang love language na nilang insultuhin ang isat-isa lalo na ako na madalas lang makitaan ng pagti-tripan. Kaya minsan ay wagas sila pagdating saakin.



Ayla is calling....



Mabilis akong napatayo sa pagkakahiga ng makita ang pangalan ni Ayla sa screen. Lagot!



Napalunok ako bago ito sagutin.



"ANGASS NATIN DOC AH!" nailayo ko agad ang phone sa tenga ko.



"Nasa dugo na namin yun, Doc." napapangiti kung sabi.



"Kamusta jan?" napakurap kurap pa ako bago yun sagutin. That's new. Usually ay sesermunan niya ako.



"Pahinga Muna, Pahinga Ko."  (Completed)Where stories live. Discover now