Chapter 2

607 16 3
                                    

***

"Looking Good Luca," nang aasar na sabi saakin ni Ayla matapos kung magbihis. Kasama ko siya sa department.



"I always look good." Matapang kung sagot.



"But not this Good," matibay niyang ani habang pinagmamasdan ang buong katawan ko. Lumapit siya saakin at inamoy-amoy ang damit ko
"You're also wearing perfume," ngising sabi niya habang nakakaloko ang tingin saakin. "Naka lipstick ka din, Ibang iba sa Luca na nakilala kung ayaw man lang mag lagay ng liptint." saad niya animo'y parang ang laki ng pinagbago ko.



"Natural lang yan," pagpipilit ko. Hindi naman masamang mag ayos ng kunti diba? Ayokong mag mukhang dugyot.



Ngumisi siya"Sige, Sabi mo eh."



Umupo siya sa desk niya tiningnan ako saglit. "Sana naman sa ngayon ay swertehin kana," parang nanay na nagpapa alala sa anak. Napailing na lamang ako. "I'm just going to fetch Reji–"



"You're being defensive again. It's okay, Siguraduhin mo lang na maayos yan." saad niya at kinuha ang record book sa desk. "May pasyente pa ako ngayon, Bukas na ako magsasaya." Huling tugon niya at kinindatan ako animoy sina sabing 'Goodluck sayo'.



She's wierd sometimes pero ngayon, Ina araw-araw niya na ang ka weirduhan. Pano kasi, Ang dami ng nakilalang lalaki ni-isa walang matino... Gago lahat.



Bago ako umalis ng office ay naisip kung tawagan si Yeji, Alam kung busy siya ngayon pero wala siyang magagawa kundi sagutin ang tawag ko. Buhay ng anak niya ang nakasalalay dito. Ilang segundo pang nag ring bago niya ito sinagot.



[Tf you want!?]agresibong sigaw nito sa kabilang linya.



"Kung makasigaw ka parang wala tayong pinagsamahan, Ah, " mahinahon ko lamang tugon.



Narinig ko siyang huminga ng malalim. [I'm always like this. Get used to it. Nasundo mo naba si Reji?] pagtatanong niya.



Ewan ko ba kung siya ba talaga ang ina ng inaanak ko, Minsan ay may paki minsan naman umaastang walang anak.



"Papunta palang, Tatanungin ko lang kung saan ko ihahatid ang anak mo. Sa office mo or sa bahay?" deretsong saad ko at lumabas na ng office.



[Pwede bang sayo muna mag stay, Mamaya pa ako makakauwi tsaka hindi rin pwede sa office. Masyadong messy.]



Malutong akong bumuntong hinga.
"Pano ko ipapaliwanag sa kanya na magdadala ako ng bata?" wala sa sariling tanong ko.



[What? May kasama ka? Sino?] sunod sunod na tanong niya. Napapikit nalang ako sa inis.



Mabilis kung pinitik ang sariling noo para kumalma. "I mean, Sa kaibigan ko, Oo, Sa kaibigan ko." pagpapa lusot ko. Yeji is a lawyer, Hindi madali pag siya na ang nagtanong... Hindi siya papa-awat hanggat hindi ako nagsasabi ng totoo. She's so good with that.



[Really?] Nagsimula ng mag iba ang tono ng boses nito. "Y-Yeah, I'll call you back nalang pag nasundo ko na yung anak mo, Bye!" mabilis kung pinatay ang tawag. Napahawak ako sa dibdib ko at huminga ng malalim.



I know she will tease me pag nalaman niyang kasama ko ang kauna unahang lalaki na dinala ko mismo sa bahay namin. Well not literally na dinala, kasi kusa siyang pumunta.



"Pahinga Muna, Pahinga Ko."  (Completed)Where stories live. Discover now