Chapter 13

142 11 1
                                    

Part 2- Paradis.

"Bakit ito yung pinili mo!?"





Naiinis ako habang kinakausap sa telepono si Yeji. She is laughing. Pinadalhan niya ako ng lingerie, Wala naman akong ganito. I bit she bought it intentionally.





"He told me to bring you some inside clothes, Luca. I just did. Ang pangit ng taste mo sa panty and bra, para kang bata."  sabi niya sa kabilang linya, parang ako pa ang may kasalanan.






"Kahit na! Hindi ako komportableng suotin ang ganitong brand." depensa ko.






"Wag ka ngang choosy. It will fit and look good on you, Swear. Pinakita ko pa sa sales lady ang mukha mo, And I picked the best brand. Wear the black one pag naisipan mong mag swimming. Maglalaway sayo yang engineer mo, Pupusta ko pa lisensya ko."  na eexcite na sabi niya, walang bahid ng pagkaseryoso pero sa tono ng pananalita niya ay nasisigurado niyang mangyayari yun.





"Hindi ako marunong lumangoy, Bat ako mag swi-swimming?"





"Gosh, Luca! For different purposes kasi yan. Ano panga ba aasahan ko, wala kapang experience. Take this chance." dismayado niyang ani, Natitiyak kung umiiling siya ngayon.






Parang nung nakaraang buwan lang ay napaka higpit saakin at ayaw akong palapitin kay Leviste. Ang bilis naman magbago ng panahon, Parang pinagtutulukan na'ko nito ngayon eh.





"Matatanda na kayo, Alam niyo na ang ways ng safe sex kung ayaw niyong magka anak ng maaga. Baka magkaroon ako bigla ng inaanak, Hindi pa'ko ready. Si Reji palang ang dami nang hinihingi, kaya umayos ka doctora."





"May gana kapa talagang mangaral sa sitwasyong to no? Ba't dika nalang nag teacher?'" sarkastiko kung ani.





"Whatever. Ipakita mo ang galawang doctora jan Luca. Wag kang papahalata na wala kang experience, Kaibigan kita kaya ayoko kung mapahiya."




Waw! Nag demand pa ang gaga.






"You now sounded like Xyra, Attorney."





"We are experienced, Luca." nagmamalaki niyang sabi. Ulol nito.






"Ewan ko sayo! Salamat nalang dito, Buti at alam mo yung size ko."






"Ikaw lang ang size XS sa atin, Luca. There's no way I wouldn't know. Just call Xyra when you need some advance about the nasty thing, She's a pro. Bye." huling bilin niya at kaagad na pinatay ang telepono.




I should have called Ayla, Mas matino payung kausap pero alam kung sesermunan ako nun. Si Zeleste naman ay malabong sumagot ng tawag. Ewan ko ba, Proud naman ako sa kanila pero minsan napapatanong nalang ako kung bakit ko sila naging kaibigan. Ang kakalat.






Dumeretso ako sa banyo at naligo na. Mas maganda padin ang banyo ng bahay ni Leviste, Mukhang may buhay nga lang dito dahil sa kulay and designs. Unlike Leviste's bathroom, More natural but elegant.





Sinuot ko ang Black Lingerie na sinabi ni Yeji. It fit well, klarong-klaro ang ang curve ko. Naka- X ang strap nito sa likod kaya komportable. Kakain pa kami kaya masyado naman sigurong malaswa kung hindi ako magsusuot ng pormal na damit. Leviste bought me a dress, It's color black at backless kaya ito nalang ang sinuot ko dahil umaayon naman ang kulay sa bra ko.






"Pahinga Muna, Pahinga Ko."  (Completed)Where stories live. Discover now