BUKAS NA PANGWAKAS

525 6 1
                                    

🍃

"Anong wish mo?"

"Magkalove-life na ang virgin na si Zestro," wala sa sariling sabi niya habang nasa tapat nang candle lights setter nang simbahan. Hinihintay si Zestro na filipino time anong oras na, wala pa rin sa kitaan. Paghintayin ba naman siya?!

Napadilat siya nang may mapagtanto ang boses na 'yon! Unti-unti siyang lumingon at bumungad sa kanya ang isang lalakeng abot ang ngiti sa kanya.

"Ay, nilagang sopas!"

Pagak na natawa ang binata na ikinakurap niya.

"Hindi ka pa rin nagbabago."

"Timoteo?"

"Doing good?"

Mula sa maayos nitong haircut, magkabilang dimples at mala-anghel nitong mukha na kinabaliwan niya noon. Nakasira pa nga siya ng relasyon dahil sa kalandian niya. 

Ang tagal na rin pala.

"Maayos na, sobra."

Napatango ito at sinuyod pa siya nang isa pang tingin.

"Lalo na at kasama mo siya."

Siya?

Ah.

"Paano nangyari 'yon, e. . .hindi naman ako makadiyos. Parang nakakaloko, eh 'no?" natatawa niyang tanong. 

"Naniniwala ka ba sa kanya?" tanong nito na nakapagpahinto sa kanya.

"Hindi ko siya nakikita pero nararamdaman ko siya," pag-amin niya sa binata.

Ilang taon na ba siyang kumakapit sa iba, at hindi niya namamalayan na nandyan siya naghihintay na abutin ang mga kamay nitong hindi kailanman bumitaw o nainip kakahintay sa kanya?

"Nakakapagod nga, eh. Nagdasal ako kahit miserable ako noon inulit ko ng inulit wala namang nangyari. Nakakawalang gana lang." 

Ibinaling niya na ang tingin kay Timoteo. "Pero sa bawat iyak ko sa kanya, humuhupa ang nararamdaman ko. Kahit papaano nawawala 'yung sakit."

"Sa kabila ng pagtulak sa'kin nandyan siya sa tabi ko bumagsak man ako o umangat. Laging nakahandang hawakan ang mga kamay ko sa tuwing hindi ko na kaya, syempre ganda lang ako kailangan ko na ng tulong niya. Hindi ako magiging maayos kung hindi ko tinulungan ang sarili ko at maniwala kahit papaano sa kanya," pabiro pa siyang natawa na ikinangiti rin ni Timoteo.

"Malayo siya noon dito, pero ngayon hindi na siya maalis dito," lintanya niya sabay turo sa pusong punong-puno ng pagmamahal mula sa Diyos.

"Gusto mo ba siyang alisin sa puso mo?"

"Ayaw ko, hinding-hindi ko gagawin masaya na ako sa kung nasaan ako kasama siya."

Inilagay ni Timoteo ang takas ng hibla ng buhok ni Fallera sa gilid ng tenga nito, para mas makita ng maayos ang maaliwalas na mukha ng dalaga. "Nag-matured ka na talaga, I already know that you're a brave person, but you just show that you've gotten braver because you have him by your side."

"Timoteo's right," sambit naman ng babaeng nasa tabi niya.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pinsan! "Rhea?!"

Pinisil nito ang pisngi niya at napangiti. "You're always be my little fall, thank you for surviving."

Lahat ng alala bumalik. Maski ang dati niyang sarili nabuhay dahil sa mga ito.

Marami na silang napag-usapan sa 30 minutes na 'yon, nostalgia mga pangyayaring masaya at mahirap kalimutan, pero sa oras na 'yon parang gustong pagtirikan ni Fallera ng isang kandila si Zestro.

Pushing Fall Where stories live. Discover now