3

220 2 0
                                    

Laging napapalabas sa room. Kinakahiya ng mga professors, maraming kaibigang lasinggero, wala nang magulang, may kuya sa probinsya, maraming kakilala sa kabilang kurso at higit sa lahat kapag bumuka ang bunganga niya wala na ang inosenteng ganda sa pagmumukha niya. Ang kalat niya. 

Mula sa pagsasalita, sa galaw pati na rin ata sa pag-iisip. 

Walang hiyang babae! Bigla-bigla na lang itinuck-in ang uniporme ko sa pants ko noong nakasalubong niya ako sa paglabas ng CR! Muntikan nang magising ang kaibigan ko sa loob! Hindi naman niya kayang pakalmahin 'yon kapag nagkataon! Alam naman niyang may boyfriend siya, pero bakit malakas ang loob niyang i-tuck in ang pants ng iba?! 

Nakakapikon, ano ako bata?! Nakangisi na naman siya no'n na parang laging nakakatuwa ang ginagawa niya.

Sana hindi na mag-krus ang landas namin.

Isa lang ang alam ko, hindi siya katulad ng ibang babae na nakilala at naikama ko na. 

Ç

Pushing Fall Where stories live. Discover now