113

404 2 0
                                    

Fallera,

Sa ilang taong magkasama tayo, sumaya ako sa piling mo. Walang kasiguraduhan kung may patutunguhan ba ang sulat na 'to, kung babasahin mo o hindi gusto ko lang ipaalam sa'yo na ako ang mali, at wala kang pagkukulang sa relasyong meron tayo.

Isa lang ang masisigurado ko, minsan din kitang minahal sa magulong buhay na mayroon ako.

Fallera, minahal naman kita.

Hindi nga lang ganun kalalim at katagal. 

Kasi nung nakuha ko na ang gusto ko, nagsawa ako.

Hindi pala pangmatagalang pagmamahal ang kaya kong ibigay sa'yo.
Dahil sa maikling taong nagsama tayo, bumitaw agad ako.

Hindi ganoong pagmamahal ang dapat na ibinibigay sa'yo, sana pala hindi na ako pumasok sa buhay mo lalo na at ako pa mismo ang nagtulak at bumitaw sa relasyong meron tayo na naging dahilan ng pagbagsak mo. Iniwan kita. . . sa pagbagsak. . .dahil ayaw ko nang maulit ang lahat dahil sawa na ako.

Sana sa pipiliin mong pagbagsakan sana  makahanap ka ng pagmamahal at taong totoong mamahalin ka ng walang labis at walang kulang, sana hindi na sa'kin na sinaktan ka lang ng tuluyan.

Ç

Pushing Fall Where stories live. Discover now