94

61 1 0
                                    

Janus:

Gaga!

Galit na galit si Tito Lando anong gagawin ko roon? Baka ako pa hampasin ng revolver no'n kapag nagkataon mabuti na lang at napakalma ni Rara.

Pumunta pa 'yung kaibigan mo rito 'yung Zest-O ba 'yon? Wala na akong choice ginawa ko siyang human shield kay tito Lando kung makaharap kasi kanila tita Felicidad parang siya ang ama ng dinadala mo eh hindi pala proxy lang daw siya! 

Ang malala pa jino-joke time niya pa si tito Lando, walangya alam mo bang dinala niya pa mga tropa niya pati si Summer siraulo talaga.

Lakas ng loob biruin si tito Lando para daw kumalma eh tarantado pala 'yon mas lalo lang niyang pinataas dugo ni tito.

Mabuti na lang at napakalma pa nila Rara at tita Felicidad kundi parehas tayong lagot.

Ano nang plano mo?

Fallera:

Wala

Janus:

Gagawa kayo ng ganyan nang hindi kayo nag-iisip.

Akala mo ba madaling magka-anak?

Madaling gumawa pero, mahirap buhayin lalo na kung wala ka pang kapasidad.

Nasaan na 'yang si Caleb nang masungangal ko ng drum sticks?

Fallera:

May training nga, sundalo nga diba

Alangan guluhin ko siya habang abala siya sa gyera

Janus:

Huwag mo akong pinipilosopo lalo na at may bata na riyan sa tiyan mo.

Anong bang nararamdaman mo?

                                                                                          09:15 p.m

Fallera:

Kuya...

Natatakot ako...

Hindi ako bagay maging ina, masyado pa akong miserable para idamay siya sa kaguluhan ng mundong 'to

Ayaw kong danasin niya ang dinanas natin noon

Janus:

Kung miserable ka, ayusin mo ang sarili mo. Hindi niya dadanasin ang mga pinagdaanan natin noon, dahil nandyan ka. Nandyan si Caleb. 

Magiging matatag ka utos ko 'yan. 

Fallera:

Kuya...

Janus:

Para sa bata.

Hindi ka nag-iisa, kasama mo ako.

Pushing Fall Where stories live. Discover now