07:23 a.m
Summer:
After 7 years may gana kang traydor-in ako, Fallera!
Fallera:
Paulit-ulit ka 'di ka maka-move on?
Ano??? Ano??? Nag-s__ ba kayo ni ano?
Summer:
Your foul mouth, Fallera!
Fallera:
Sinensore ko na nga kasi conservative ka
Summer:
Did you already enroll?
Fallera:
Di pa, mamaya pramis
Pwede pa ba talaga katulad ko roon?
Summer:
All people who wants to study are welcome there, kahit matanda pa nga.
Walang edad pagdating sa kagustuhang mag-aral.
Fallera:
Ikaw pa-graduate after 8 years sa pagtitiis diyan sa course mo, kuya ko sikat na drummer sa isang banda, si Thea ayun masaya na sa buhay niya, si Zestro ayun biglang nawala siya na nga lang mapapagdramahan ko bigla pang nawala sa paningin ko nasa ibang bansa ba 'yon at 'di man lang ako matawagan?
Papalamunin ko siya ng walong mangkok na sopas
Summer:
Na-mi-miss mo rin pala si Zestro?
Fallera:
Miss insultuhin kamo, sila Yakzi pumalit sa kanya sa pambibwisit sa 'kin nakisabay din pagka-drop ko noong 1st year tayo, gaya-gaya siya tapos bigla na lang wala akong nasagap na balita sa kanya kahit sila Milkie walang alam hayaan ko na lang daw muna, pero sa totoo lang
Ako lang naiwan ako lang 'yung bumitaw
Tsaka nakakahiya na akong kasama tag-araw
Nandito pa rin ako sa baba tapos kayo nasa taas na
Dami ko nang utang sa'yo
Di man lang kita maregaluhan nung birthday mo kasi tambay pa rin ako
Pakanta-kanta lang sa bistro para magkaroon ng barya
Sensya na
Summer:
You don't have to be sorry.
Fallera:
Sensya na maganda lang ako na talunan
Hehe
Summer:
Sira.
All people have their victory and failures seasons. So don't underestimate yourself, you can grow just wait, but before that help yourself first to achieve what you really want.
05:45 p.m
Fallera:
Tag-araw, hindi ko alam kung nag-ha-hallucinate ako pero nakita ko si Caleb!
Summer:
What?
Did he also stopped studying that time?
Fallera:
Punyeta talaga 'tong lalakeng 'to sinupalpal ko na nga sa bistro may gana pang mag-aral sa pinag-enrollan ko
Summer:
Wait, what? Nagkita kayo sa bistro?
Fallera:
Oo, bigla-biglang nangyayakap puta lasing umiral na naman kakulitan ng kamay
Di pa maka move on sakin ganda ko kasi
Summer:
So, how's he?
Fallera:
Ano pa nga ba?
Ganun pa rin
Amoy sigarilyo
At umaapaw pa rin sa babae 'di niya naman ikina-gwapo
Summer:
Wow, consistent.
Diba type mo 'yon?
Fallera:
La? Sabog? Kailan ko siya naging type?!
Ayaw ko nang ganun tag-araw, ayaw ko nang manloloko at magaling mang-iwan
Kung paglalaruan lang ako no'n uunahan ko siya
Summer:
Didn't you have feelings for him?
Fallera:
Kailan?
Gusto ko lang siyang maging kaibigan noon pero nantatarantado ayaw ko na
Ang ganung tao hinding-hindi ko magugustuhan
YOU ARE READING
Pushing Fall
RomanceEpistolaryo: Pana-panahon (Ikalawang Serye) Ç - papalit-palit ng babaeng tinitignan, mahilig magsulat ng bawat pangyayari sa lukot na patapong papel. Bukod sa ballpen, at papel gusto niya ng atensyon, pero hindi niya nagugustuhan kung paano siya ti...