18

58 2 0
                                    

Fallera:

Bakit ka ba nandito?

Ayos ng buhay mo roon tapos bumalik ka dito

Janus:

Bakit ba?

Fallera:

Bakit ka rin?

Janus:

maMa mo,,,

Fallera:

Wala tayong nanay buang

Kapag tayo nag-usap wala talagang kwenta

Magtambol ka kasama nung first love mo roon pangarap mo 'yon diba?

Janus:

Masaya na siya ipipilit ko pa ba?

Fallera:

Sabihin mo 'yan kay Tatay Lando, anak niya 'yon diba?

Janus:

Bwisit ka rin eh no? Gusto mo atang mawalan ng kuya ng wala sa oras. 

Fallera:

Bakit kasi iniwan iwan mo 'yon? Chance mo na nga binigay mo pa sa iba, ang bagal mo shunga

Di ka magaling umepal

Dali-dali lang mang-agaw

Janus:

Hoy ikaw. 

Fallera:

Ano na naman?

Janus:

Hindi kita pinalaking sulutera. 

Fallera:

Gusto mo siya diba? Tagal na

Janus:

Mas gusto kong maging kaibigan niya, ayaw kong ipilit ang sarili ko sa relasyong 'di niya kayang ibigay lalo na kung mas kailangan niya ng kaibigang makakaintindi sa kanya.

Ayaw kong mawala sa tabi niya dahil lang sa pansarili kong kagustuhan.

Fallera:

Lalim mo naman

Bakit ba hindi tayo pinipili lagi kuya?

Mula sa nanay nating walang pake, tapos si tatay na nang-iwan agad sa atin

Mahirap ba tayong mahalin?

O sadyang hindi lang tayo kamahal-mahal?

Janus:

Ha??? Bakit kasama ako?

Ikaw lang. 

Kamahal-mahal ako, drama nito. 

Fallera:

Magsama kayo ng tambol mo

Leche

You blocked Janus Arceo.

Pushing Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon