5

132 1 0
                                    

Niwalang hiya na naman ako ng babaeng 'yon kinabukasan na parang walang nangyari noong isang gabi. Wala na nga akong natikman, parang responsibilidad ko pa na alagaan siya kahit na mukha na siyang tanga kakaiyak sa kalsada. Masyado pang epal sa tuwing humihithit ako ng sigarilyo sa tambayan, tinatapon niya na hindi ko nagugustuhan. Inom lang ba ang kaya niya? At hindi ang higop, buga?

Nakakatawa. Makalat pero napakainosente ng itsura. Mula sa pantay niyang bangs, inosente niyang mata, at palamurang bibig ang talagang bumagay sa kanya. Maganda, magandang kasama.

Ayaw niya sa sigarilyo. Mabaho.

Kaya pala mapula pa rin ang labi niya hanggang ngayon, ano kayang pakiramdam na mahalikan 'yon? Umaandar na naman ang pagiging gago ko, ano na lang kaya ang mararamdaman ni Tetra juice kapag sinulot ko ang girlfriend niya? Pero wala, eh. Gago ako. Wala akong konsensya, hindi na ako nagdalawang-isip na halikan siya sa labi. Masaya sana kung gaganti siya at gagalaw katulad ng ginawa ko pero hindi. Akala ko 'di na papalag, pero nakalimutan kong tigre pala ang babaeng 'yon.

Sinampal niya ako ng kaliwa't-kanan at sinabihan ng gago, tangina mo. Umandar na naman kasi ang pangangailangan ko.

Ano nga bang pakiramdam na mahalikan ng babaeng 'yon? Ng kusa? 

Malambot at masarap halik-halikan ganoon ang labi niya na hindi ko kaagad makalimutan, ibang-iba sa mga babaeng natikman ko na at pinagsawaan.

Ç

Pushing Fall Where stories live. Discover now