114

392 2 0
                                    


CALEB IKAW ANG PINAKA-GAGONG NAKILALA KO. 

Ayaw ko sa'yo, lahat ng kinaayawan ko nasa'yo. Sa ganda kong 'to, magtitiis ako sa kagaya mo? Kinain ko lahat ng sinabi ko nang mas makilala kita. Ayaw ko pa ngang maniwala na seryoso ka sa'kin kasi diba? Alam ko namang babaero ka. Di ka pipirmi sa'kin, pero ilang taon din 'yon. Tangina, ang tagal na natin. Okay naman tayo kahit papaano. . .akala ko. . .akala ko lang. . .pala.

Hindi lang ikaw ang may kasalanan dito. Kahit ako, meron. Hindi ko tinanong kung ayos ka ba nang mawala ang anak natin, hindi ko tinanong kung kumusta na ang pangarap mo. . .pangarap natin. Wala akong inisip kundi ang sarili ko kasi pakiramdam ko nawalan ako. . .sobra dahil sa pagkawala ng anak natin, hindi ko naisip na kasama kita ikaw din pala wasak nang mawala siya.

Ako, dahon? Tangina trying hard ka magpakamakata! Ikaw naman 'yung hangin na naging dahilan ng pagkatanggal ko sa sanga dahil ang lakas mo. Pero kung hindi rin dahil sa'yo. Para nga talaga akong dahon na lanta sa daan na pwedeng sunugin at itapon. Pero ikaw? Hindi mo ginawa 'yon, hindi mo pa ginawa noong panahon na 'yon.

Mahal mo ako, naiintindihan mo ako.

Pero bakit ganito na kinahinatnan natin ngayon? 

Ilang taon din 'yon mula sa masasayang alaala pati sa malungkot, hindi ko kakalimutan kasi kasama kita. Hindi ko naisip na kayang-kaya mo akong palitan  kahit ang tagal na nating magkasama. Ang daya mo. Ang kapal ng mukha mo. Puro ka salita. Puro ka pangako. Tangina mo.

Tangina mo ulit, bakit sa lahat ng lalake bumagsak pa ako sa'yo? Bakit kailangan kitang pag-aksyahan ng oras? Bakit kailangan kitang iyakan?!

Ikaw 'yung taong gusto ko nang alisin sa buhay ko at kalimutan, pero hindi ko pa magawa-gawa.

Mahal na mahal kita, Caleb. Sana 'di mo sinira ang meron tayo kasi handa na akong hawakan ang mga kamay mo eh handa na nga akong magpakasal sa'yo kung hindi mo lang ako niloko.

"Sana sa pipiliin mong pagbagsakan sana  makahanap ka ng pagmamahal at taong totoong mamahalin ka ng walang labis at walang kulang, sana... hindi na sa'kin na sinaktan ka lang ng tuluyan."

Ito ang hiling mo diba?

Kung ano ang pangarap mo, pangarap ko na rin.

Kung ano ang hiling mo, ganoon din sa'kin.

Kaya Caleb, salamat sa ilang taong pagsasama. Kahit na ganito ang nangyari hindi ko pinagsisihan ang kung anong meron tayo kasi tangina alam ko sa sarili ko na sa ilang taong kasama kita naging masaya ako.

Pero ngayon, sisikapin ko nang mag-isa, magiging masaya ako kahit wala ka.

Kaya kong mag-isa ng wala ka. 

Fallera Arceo

Pushing Fall Where stories live. Discover now