Janus:
Di ka na ba lutang?
Fallera:
Lul nito
Janus:
Sino ba kasing tanga kanina?
Selos ka?
Hahahahhahaha
Fallera:
Tinik talaga no'n sa babae nakakapikon
Janus:
Hindi siya ang lumapit, si Amelia ang mismong pumunta sa kanya.
Iniwasan niya naman, ah?
Nanginginig pa nga siya ng makita kang nakatingin sa kanila.
Fallera:
Aba dapat lang wala akong pake sa Amelia na yan kahit siya pa pride ng Full Soul Entertainment kineme
Janus:
"Ayaw aminin, pero minsan naisip ko na gusto ko ring maramdaman mo ang aking damdamin"
Fallera:
Tama na pagpromote niyo ng kanta quota na
Janus:
Tamang-tama sa'yo 'yan.
Umamin ka na nga.
Fallera:
Anong aaminin ko?
Janus:
Gusto mo si Caleb.
Fallera:
Paladesisyon?
Janus:
Nakikita ko, Fallera.
Nakatali ka pa rin kay Timoteo, sabi mo hindi mo pa rin makalimutan.
Pero nung pumunta kang concert namin nandoon din naman si Timoteo, ah? Katabi mo pa.
Ang kaibahan nga lang no'n kasama mo si Caleb at kahit ilang segundo hindi mo na inalis ang tingin mo sa kanya.
Ganoon ka kalala, Fallera.
Alam mo ibig sabihin no'n?
Hulog ka na.
YOU ARE READING
Pushing Fall
RomanceEpistolaryo: Pana-panahon (Ikalawang Serye) Ç - papalit-palit ng babaeng tinitignan, mahilig magsulat ng bawat pangyayari sa lukot na patapong papel. Bukod sa ballpen, at papel gusto niya ng atensyon, pero hindi niya nagugustuhan kung paano siya ti...