Fallera,
Nahuli ako ng dating. Imbes na makita kitang masaya kasama ng anak natin, kabaliktaran no'n ang sumalubong sa'kin. Hindi ko kayang tignan ka ng matagalan, dahil mas dodoble lang ang sakit. Kung pwede lang kunin lahat ng nagpapahirap sa'yo gagawin ko. . . hindi ka na sana nagdudusa ng ganito ngayon. Parehas tayong bumagsak sa sitwasyong hindi natin inaasahan. . . at hindi ko alam kung hanggang kailan tayo magiging ganito. . .pero sana sa bawat araw unti-unting mawala ang mga masasakit na alaala na nakakasakit sa atin kahit gaano pa 'yon kahalaga.
Ç
![](https://img.wattpad.com/cover/308472928-288-k112049.jpg)
YOU ARE READING
Pushing Fall
RomanceEpistolaryo: Pana-panahon (Ikalawang Serye) Ç - papalit-palit ng babaeng tinitignan, mahilig magsulat ng bawat pangyayari sa lukot na patapong papel. Bukod sa ballpen, at papel gusto niya ng atensyon, pero hindi niya nagugustuhan kung paano siya ti...