106

406 3 0
                                    

🍃

"Saang room ba?" napipikong tanong ni Fallera sa kausap sa kabilang linya, sa lakas din ng tugtog sa Bar talagang hindi niya marinig ang pinagsasabi ni Zestro. 

Narinig niya ang pagsinghal ni Zestro. "Aba malay ko, bakit ako tinatanong mo?"

"Itanong mo kay Neon!"

"Mag-uutos ka na lang galit ka pa?"

Bumunghalit ang tawanan sa kabilang linya nang magtanong ang shungang si Zestro. Nakakairita! Lagi na lang masaya ang lalakeng 'yon, samantalang siya sinalo lahat ng problema.

"Ano na?" tanong niya. 

"Shet, nagpabook para diretso kama kaagad," anito sabay lapag ng number ng private room.

"Gago, huwag mo munang ibaba," paalala niya sa kaibigan.

"Clingy mo, ha."

"Assuming ka."

"Hanggang ganyan ka lang naman Zestro tignan mo ilang taon na lumipas banat lang ang kaya mong gawin hindi kumilos!" sigaw ni Milkiero na tinawanan nila Rava. 

"Huwag ka nga Milkie, sa ating magkakaibigan ikaw 'yung kahit ilang taon na nangyari nakatatak pa rin sa utak mo tapos pinagtatawanan mong mag-isa, shabu pa! Ngayon ka lang nakakita ng ganito ka-martyr kaya be grateful!"

Mga siraulo talaga.

Walang pasubaling binuksan ni Fallera ang pinto ar bumungad sa kanya ang halinghing ng isang babaeng nakakandong sa lalakeng gumagapang na ang kamay sa pagbaklas ng suot nitong short dress.

"Gago, wrong number!" sambit niya kay Zestro na narinig din ata ang pagniniig nung dalawa.

"Ano 'yan live porn? Alis ka na riyan, istorbo ka sa kanila," natatawang tanong nito, pero napahinto siya nang makita ng malinawan ang lalakeng hinahawak-hawakan na ang hita ng babae para ayusin at igalaw ang sarili para maramdaman nito lalo ang tensyon sa pamamagitan ng dalawa na ikinabasag niya. 

Pamilyar sa kanya 'yon.

"C-caleb. . ." 

Sa kanya lang kasi nito ginagawa ang aksyong iyon.

Sa kanya lang. . . ata?

"F-fallera. . . anong nangyari?" seryosong tanong ni Zestro na hindi niya na napansin dahil nahulog na sa lapag ang teleponong selular na hawak niya.

Napahinto ang mga ito sa ginagawa, sabay tayo sa babaeng nakangisi nang makita siya.

"Fall."

Lumapit ito sa kanya nang gulo pa ang suot. Hindi nag-alinlangan si Fallera na isara ang nakabukas na zipper nang nobyo. Masyadong masakit sa mata, lalo na at hindi siya ang nagbukas no'n kundi iba.

"Magsinungaling ka. . . " aniya. "Kahit anong sabihin mo. . .basta huwag lang ang iniisip ko. Magsinungaling ka. . .tatanggapin ko. . . ayos tayo."

Wala siyang natanggap na kahit anong paliwanag. Nakatingin lang si Caleb sa kanya na parang walang ginawang kasalanan. "Bakit wala kang sinasabi?"

Peke siyang natawa sabay punas sa pisngi ng mabasa ito ng luha niya. "Bakit na lang?"

Wala pa ring sagot.

"S-sorry kung hindi ko maibigay ang pangangailangan mo, sorry. . . kung lagi kong binabalewala ang nararamdaman mo. . . sorry dahil lagi kong itinutulak ang kamay mo papalayo imbes na hawakang mahigpit 'yon. . .ang dami kong pagkukulang. . . ayun ba ang dahilan?" nangangapang tanong niya.

Hindi niya na napigilang hampasin si Caleb nang manahimik na naman ito. "Bakit 'di ka magsalita?! Huwag mo akong ginagawang tanga rito! Kasi kahit anong sabihin mo. . . papaniwalaan ko pa rin kahit magsinungaling ka!"

Napatingin siya sa babaeng mahinang natawa sa likuran nito, mabilis niyang hinawakan ang kamay nito. "Sandali, mag-usap muna tayo. Kailangan ko ng paliwanag niyo."

"Fallera, huwag mo siyang saktan!" sigaw ni Caleb na nakapagpamaang sa kanya.

Saktan?

Sumagot ito.

Nagkaroon ito ng pake.

Pero, bakit ngayon lang?

"Eh, ako Caleb? Wala kang pake kahit nasasaktan mo na ako?" hindi makapaniwala niyang tanong. 

Napahilamos ng mukha ang binata sabay pukol ng iritadong ekspresyon sa kanya, na biglang lumambot ng makita ang pagtutubig ng mata niya. "Ayaw ko na, Fallera. . ."

"Anong ayaw mo na?"

"Nawala. . . "

"Ang ano?!"

"Awa na lang . . ." anito na ikinabasag niya lalo. "Hindi ko na magawang mahalin ka ulit."

Nabingi lang siya.

Tama.

Binitawan niya ang babae, at hinawakan ang braso ni Caleb sabay ngiti ng matamis. "Umuwi na tayo."

Walang nangyari.

Kakalimutan niya lahat basta bumalik sa dati.

Ganoon na lang ang pagkahinto niya nang si Caleb na mismo ang nagtanggal ng pagkakahawak niya rito. "Ikaw ang umuwi na."

Bakit imbes na hawakan ang kamay niya mas pinili nitong ipagtabuyan siya?

"Sigurado kang hahayaan mong ganito tayo? Ayusin mo, Caleb hanggang nagpapakatanga pa ako sa'yo ngayon," malamig niyang sabi. 

Mariin niyang tinitigan ang babae. "Pumili ka pero pag siya ang pinili mo, wala ka nang babalikan sa'kin."

Napabuntong hininga si Caleb. "Umalis ka muna."

"Ako pa talaga ang sinabihan mo niyan?" hindi makapaniwala niyang tanong. "Talaga bang madali na lang akong bitawan para sa'yo?"

"Ayaw mo ba umalis?" tanong ulit ni Caleb. "Kami ang gagawa."

Wala siyang nagawa kundi sumigaw nang hatakin ni Caleb ang babae kasama nito, habang mag-isa siyang ngumangawa nang parang tanga. Masyado na siyang tanga para rito, pero anong magagawa niya ginusto niya naman iyon. "Caleb!"

"Mahiya ka Fallera! Tignan mo ang sarili mo sa salamin, ang miserable mong tignan! Sa tingin mo magtatagal pa ako sa'yo kung ganyan ka?!" sigaw nito bago siya talikuran kasama ang babae nito. 

"Magsama kayong dalawa, parehas kayong makati! Ang bababoy niyo!" 

Lahat siguro ng mura nasabi niya na pero walang mura ang papantay sa kahayupan ni Caleb.  

Napasalampak siya sa sahig habang pinagmamasdan ang mga taong nagkakasiyahan sa bar.

Sino bang iiyakan niya? Saka niya na lang iiyakan ang lalakeng 'yon kapag patay na!

Eh, ano ngayon kung nasaktan siya?! Hindi 'yon big deal, wala lang 'yon sa kanya. 

Wala siyang pakialam kahit pagtinginan siya nang mga tao habang nagpapakalunod sa alak dahil wasak.

Sino ba kasing nagsabi na mayroong magseseryoso sa kanya?

Wala naman.

Napatingin siya sa cellphone niyang nag-ri-ring pa rin puro missed calls galing kanila Rava at Zestro. 

"Fallera!"

Wala sa sariling umangat ang tingin niya sa binata. Si Zestro. Si Zestro na kahit hindi niya tawagin laging nandyan para damayan siya.  

"Hindi mo sinasagot ang tawag ko," malumanay na sermon ni Zestro na parang hingal na hingal pa.

Pinahid niya ang labi na may bahid ng alak kasabay ng pagpatak mga luhang ayaw niya nang pumatak pa. "Zestro. . . tama ka. . .bumitaw na. . .umayaw na siya."

🍃

Pushing Fall Where stories live. Discover now